CHAPTER 39

1.9K 31 2
                                    


*Tiiing*

Tumigil ako sa pag iisip ng kung anu anong bumukas na ang elevator sa floor kung san kami magche check in. Pagpasok ko sa loob ng suite namin. Which is a presidential suite by the way, halos malaglag ang panga ko. Sobrang ganda. Pero napadako ang paningin ko sa may kama. Iisa nga lang ang kama gaya ng expected ko.

Matutulog ba ko sa sofa o si kian?
O magtatabi kami. The idea, almost electrify my body.

Nilapag ni kian yung mga gamit namin. Kinuha nya yung bag nya at inayos ang gamit nya at maya maya tumayo na sya para pumunta sa banyo.

Nilabas ko muna ang gagamitin ko. Since beach to, magsi swimsuit ako. At sanay naman ako no dahil nung dalaga pa ko madalas naka ganitong attire ako pag nagsi swimming..

Pagkalabas ni kian ng banyo, naka
rushgard na sya kaya bakat na bakat na naman ang magandang built nya. Baka mapaaway na talaga ako sa mga babae dito.

Pumasok na lang ako sa banyo para mag ayos kesa kung anu ano pa ang pumasok sa utak ko.

Sumobra na siguro ang tagal ko sa banyo dahil narinig kong kumakatok na si kian.

"Wait lang, patapos na!" sigaw ko.

"Bakit ang tagal mo dyan? Tss. I'll just wait for you in the lobby." sabi nya.

"Okay!" sigaw ko. Narinig kong lumabas na sya.

Binilisan ko na ang pagkilos dahil baka masira ang araw ng pinakamamahal kong asawa. I looked at myself in the mirror, I am wearing a red swimsuit tas pinatungan ko sya ng see-through na long jacket.

Sumakay na ko ng elevator para bumaba. Pagkalabas ko ng elevator ay tumingin halos lahat ng nasa paligid ko.

Gosh girl, ang ganda nya. Nakaka insecure

Oo nga e, bakit ang unfair ng mundo satin.

Grabe men, yung curves.

Hindi lang curves, maganda pa.

Mag isa lang ba sya? Single kaya
If yes, I'm gonna court her.

Naririnig ko ang mga usap usapan habang naglalakad ako sa lobby.

Wag na silang umasa dahil isang lalaki lang ang kinakabaliwan ko.

Speaking, nasan na ba si kian. Luminga-linga ako sa paligid.

"Okay yes, I'm on a vacation right now, I'll sign the contract once I get back. Bye" napalingon ako sa likod ko dahil narinig ko ang boses ni kian.

Napangiti ako dahil nasa likod ko nga sya, at kababa nya lang ng cellphone nya.

"Hi!" bati ko sa kanya kaya napatingin sya sakin. Am I imagining things right now, dahil nag jaw
drop ata sya.

Pero bago ko pa sya maasar ay kumunot na ang noo nya.

"What are you wearing right now?" sabi nya habang pino point ang suot ko.

"Uhm swimsuit?" sagot ko. Hindi ba obvious?Hindi nya ba alam ang taeag dito? Pano sya naging professor?

"I know, why are you wearing that?" nakita kong mas kumunot ang noo nya.

"People are looking at you"

"So what? This is a beach? I am not supposed to wear a gown right? Tara na? Gusto ko ng mag swimming" sabi ko. Tumalikod na ko para makalabas na. Atat na atat na talaga ako mag swimming.

Pero nagulat ako ng may magbalot sakin ng tuwalya. At bigla bigla akong binuhat.

"Put me down kian! What's wrong with you?" sigaw ko. Hinahampas ko ang likod nya dahil pinagtitinginan na kami ng tao.

(My Husband is My Professor)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon