CHAPTER THREE
22nd of March. Sunday.
...
Dialing Daniel Kang...
00:00
"Hello? Daniel?"
"Oh yeah?"
"Asan ka? Agang-aga wala ka sa bahay."
"May pinuntahan lang ako saglit..."
"Ano oras balik mo?"
"Hindi ko alam."
"Siguro may kinikita ka 'no? Asan ka ba kasi?"
"Baliw. Nasa Gangnam ako, wait ka lang jan."
"Anong ginagawa mo d'yan? Kakagaling mo lang jan last week ah?"
"Basta! 'Wag ka nang magtanong."
"Baka may ginagawa kang katarantaduhan diyan ah."
"Huwag ka ngang praning. Uuwi ako mga four or five."
"Bahala ka sa buhay mo, basta umuwi ka wala nang makain dito."
"Tss. Mag-grocery ka na lang habang wala ako, babayaran na lang kita 'pag uwi ko."
"Himala at pinayagan mo akong umalis."
"Malamang taong bahay ka ngayon."
"Okaaay, hindi ako tatanggi."
"Tch, ibaba mo na. Abala ka lang."
"Aba hoy--"
Call Ended
...
~
8:23 PM
"Aish bastusing pinsan." Dinutdot-dutdot ko pa ang screen bago ibulsa ang handphone.
Sa totoo lang, mabait naman talaga ang pinsan ko kaso lang may panahon talagang may saltik siya kaya kailangan mo pang magpakita ng paggalang at pagrespeto. Mas strikto ang kuya Daesung ko kesa sa kaniya.
Tumayo ako at pinagtitingnan ang ref at mga cabinet. Noong nakaraang araw lang siya namalengke tapos wala na agad kaming malamon. Paano kasi siya rin ang kumo-consume lahat.
I changed into a light pink sweater at kinuha na ang wallet at handphone. Dinouble check ko pa ang lock ng bahay bago ihanda ang gagamitin kong bike.
The bicycle ride took less than fifteen minutes. Mabilis akong namili dahil tinitipid ko ang oras, medyo natagalan lang sa kinuha kong mga ingredients para sa ibabaon kong lunch bukas.
I have a lot of things to do in less than 600 minutes.