CHAPTER ONE HUNDRED FORTY SIX
Hwang Hyunjin's
Kakalabas ko lang ng banyo at nangangamot pa ng itlog nang makita ko si Han na papasok pa lang ng banyo. "Han, pumarito ka..."
At ang uto-uto lumapit nga.
"Ano? Takte, yung dare---aragay!!!"
Hatawin ko nga ng foot cream ang loko.
Nalaman lang kasi nila na sa unit ko nakatira si Soo Ah abay bigla ba namang nagsidalawan ang mga humal.
Nakailang ligpit at tapon na ako ng mga kalat nila kaso itong si Seungmin, ang hinayupak na si Kim Seungmin, pahuli-huli ng dating kaya ayan, panibagong kalat na naman.Deputa.
Ansarap lang sakalin ni Seungmin kaso ako naman ang malilintikan nito sa pinsan niya eh tsk!
"Argh nak ng!!"
Nang pihitin ko ang seradura ng kwarto ay bumulaga lang naman ang isang Seo Changbin na nakatiwangwang sa aking kama. Inagawan na naman ng pwesto ang noona ko! Kita ng buntis yung tao eh!
"Layas jan! Pepektusan kitang babalu ka!"
"Whoa easy boy! Nagkakatuwaan lang kami."
Nagkalat sa kama ang mga baraha at natapon na potato chips. Si Changbin lang ang nakikinabang sa kama, si Nari nama'y nakaindian sit sa inurong pa nilang cuddler's chair. Nandito rin si Yongbok na litong-lito pa sa ibaba niyang baraha. Si Seungmin na kasalukuyang naghahalungkat ng mahihiram niyang shirt sa aking closet. Si Han na kakapasok lang at mukhang kakatapos lang sa dare niya. At si Soo Ah noona na tahimik at nag-iisip ng mabuti sa kasunod na tira.
"Anjan ka na pala." Nginitian ako ni noona. Tinabihan ko siya at sinamaan ng tingin si Changbin. Ang noona ko namimitig ang pwet sa matigas na upuan, habang prenteng-prente naman ang baba ni Changbin sa kutson!
"Hoy Hwang, umisa ka lang, paswertehan lang to!" Pang-aaya ni Changbin.
"Heh! Wag mong baguhin ang usapan, +4 card ka!"
Akala mo naman mga veterans eh uno lang naman pala.
"Ilan pa ba yang cards mo? 22? Tindi ng pananampalataya mong baba ka ah?!" Pamamaya ni Han.
"5 na lang akin!" Si Felix.
"8 left!" Isa pa itong si Nari nadadalas na ang pagiging blooming.
"Kung swerte lang sana ako, edi sana 10 pa rin cards ko..." Nangungusong sabi ni Seungmin.
"Edi kayo na!"
"Tara kila Kuya Chris, mabilis kayong mananalo."
"Dudugain lang kayo ni Kuya Woojin."
Binalingan ko si noona na kinalimutan na ata ang presensya ko. "Let's go downstairs? Ang ingay dito..."
Inalalayan ko siya sa pagbaba. Ganun talaga ang isang Hwang Hyunjin, kulang na nga lang magresearch pa ako kumpaano maging isang huwarang ama at asawa eh!
Kahit sandaling paglayo lamang namin sa mga hinayupak na yon ay pinamumukha lalo sa akin ang mga dapat kong intindihin at gawin. Magiging isang ama na ako, kailangan ko nang masanay sa hirap at pagsasakripisyo.
"What's that?" Nakaupo sa couch ang aking noona at may kung anong device nakapatong sa kaniyang may lamang tiyan.
"She would love hearing this." Ang malumanay at nakakadalang musika ang tinutukoy niya.
"She? Lalaki siya, mahal."
"Babae siya, Hyunjin. Nararamdaman ko."
"Let's just wait for the seventh month at para malaman na natin ang kasarian ni baby, okay?"
Hinaplos ko ang buhok niya.
"Soo Ah..."
"Mmm?"
"I'm quitting school."
"WHAT?!"
"Calm down, babe. It's just school."
Hindi kakayanin kung hanggang part time lang. Kailangan ko ng magandang raket puta! May kumukuha sa akin mula sa isang modeling agency sa Itaewon kaya ginawa kong pagpipilian kung sakali mang mapagdesisyunan kong magdrop out. Na naman. Hindi na ako makatapos tapos ng pag-aaral. Well, ganun talaga ang isang Hwang Hyunjin, mapusok. Walang desi-desisyon, sabak agad!
"It's just school?! God, Hyunjin! Kung ano mang binabalak mo, please, don't!"
"Kaya pa naman natin, diba? Sinusuportahan pa naman tayo ng magulang natin."
"That's it! We can't live like that forever. Supo-suporta... meh! Kalokohan."
"And what do you wanna do kapag tumigil ka? Sa tingin m--"
"Pwede ba?! Huwag mo nang ipamukha pang iinu-inutil ako!"
Hinigit ko siya patayo tsaka niyakap. Kung hindi ko lang siya sinigawan ay malamang sasagutin niya ako ng pabalang at sasabihing "edi sana hindi ka nambubuntis"
"Sorry na. Nabigla lang ako..." Hindi gusto ni Soo Ah kapag tinataasan siya ng tono. She's sensitive. Lalo na sa kaniyang kondisyon ngayon.
"I just don't know what to do ngayong namomroblema ka na rin dahil sa akin. Hayaan mong ako ang gumawa ng paraan, hmm?"
"Let's do this together. Don't treat me like a glass, ipagpapatuloy ko ang pagtatrabaho and you, mister, wag mong subukang huminto sa school kundi!!" Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin at tumingkayad pa para maabot ang labi ko.
"Pag-iisipan ko noona."
I simply love her. And I love the way she kisses me whenever I'm up for stupid things. I love how confident and strong she is. I love it when I know she's happily breathing beside me. I just simply love her to the point of risking everything to save her.
Soo Ah noona, gagawin ko lahat ng makakaya ko para sa iyo, para sa atin, para sa magiging anak natin.
Nagkaroon ako ng responsibilidad sayo pero hindi yun dito matatapos. Now that we're almost one, you don't have an idea how countless of memories I just made for us to do. We will never get old because my love for you, you keep them for me... I can't promise beyond forever but I know we'll always be here to stay.