Chapter Twenty Eight

18 0 0
                                        

CHAPTER TWENTY EIGHT

23rd of April

Kim Sunwoo

meet me sa LVT building
first floor, biology lab 1.
2:49 p.m.

busy ako.
2:53 p.m.

magpaalam kang
magbabanyo ka lang.
2:53 p.m.

ayaw ko.
2:54 p.m.

ayaw mo? pupuntahan kita d'yan tamo ka.
2:55 p.m.

tsssss, ano bang kailangan mo?
2:56 p.m

hindi pa kita nakikita mula kaninang umaga.
2:56 p.m.

i missed you.
2:57 p.m.

ew, mandiri ka nga.
2:57 p.m.

pati baka kausap mo na naman si iyen
2:58 p.m.

eh ano?
2:58 p.m.

pumunta ka sabi rito
3:00 p.m.

Itinago ko na ang phone.Nakatalikod ang teacher namin. Lalabas ba ako? Eh paki ko naman kay Sunwoo? Pati isa pa, ambingi nitong teacher na 'to, siguradong hindi kami magkakaintindihan.

"Ms.Kang, may problema ba?"

"Wala po, miss." Umiling ako at ngumiti.

Ilang oras na lang at malapit nang mag-awasan. Paniguradong aabangan na naman ako nun ni Sunwoo.

Nagvibrate na naman ang phone ko.

Tss ang kulit talaga!

Kim Sunwoo

fine, busy ka na.
3:19 p.m.

mamaya na lang tayo magkita.
3:19 p.m.

Hindi na ako nagreply pa dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

~

"Ano bang ginagawa mo?"

"May kinukuha?"

Pagkatunog na pagkatunog ng bell ay mabilis kaming lumabas ng room. Nagpasama pa ako kay Jeongin sa locker malapit sa gymnasium at sinabing may kukunin lang ako.

Sa field ako kadalasang hinihintay ni Sunwoo at ngayon ay hindi niya ako makikita rito unless hahanapin niya ako.

"Kanina mo pa nakuha 'yung clipboard mo."

Hindi ko naman talaga kailangan 'yon, alibi lang.

"Sandali lang..."

Nakatingin ako sa pinto at nagbabantay habang siya naman ay nakasandal lang.

"Tinataguan ko kasi si Sun-ie."

"Ang weird niyo ring dalawa 'no?"

Pinagdidikit ko ang magkabilang dulo ng black shoes ko. Wala akong balak tingnan siya ngayong kami na lang dalawa ang tao rito.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon