Chapter Fifty Three

10 0 0
                                        

CHAPTER FIFTY THREE

"You like her?"  Walang atubiling tanong ni Sunwoo kay Jeongin.

Nasa ramen at soju shop sila. Tuwing gabi lang nagbubukas ang isang hilerang shop na 'to. Kakauwi lang ni Jeongin galing sa Clè at inaya siya ng kaibigan dito dahil may kailangan raw silang pag-usapan.

"Matagal na Sun..." Nasa katinuan pa siya kaya alam niyang tama pa ang lumalabas sa bibig niya.

"Tss napag-iiwanan na talaga ako ng panahon. Ano bang meron sa'yong bata ka? Peste ka ah." Napatawa siya sa pinagsasabi ni Sunwoo. Mukhang may tama na 'to.

"Gusto ka nun, halata naman sa kilos niya. Pa'no ba 'yan? Naiiwanan na talaga ako."

"Oo na. Naiwan ka na. 'Pag ako nasura iiwan na rin kita dito."

"Huwag pre. Usap tayo."

Inubos ni Sunwoo ang ramen, lalong namula ang mukha nito dahil sa halang ng noodles at dahil sa iniinom nito.

"Ayaw ko magkompetensya tayo...utol kita eh. Susuko na lang si Sun, tutal napag-iwanan na ako." Inagaw ni Jeongin ang bote sa kamay nito.

"Tumigil ka nga. Para kang sira." Hindi siya sanay na makitang ganito magsalita si Sunwoo. Mukha kasing timang.

"Tch seryoso ko. Napag-iwanan na ako eh. Wala na 'kong magagawa." Umiling-iling pa si Sunwoo.

"Iiwanan kita dito, tss lasing ka na, uwi na tayo."

"Hindi ako lasing. Kaya ko pang magsagot ng math equation kaso...baka di ko matamaan lahat...napag-iwanan na ako eh tsk tsk."

Galing siyang trabaho, kanina pa dapat siya nakauwi at nagpapahinga kaso inaya siya nitong lalaking napag-iwanan na 'to. Pero kahit anong pilit niyang pagpapatayo kay Sunwoo ay pumipiglas ito.

"Basta 'toy, ingatan mo lang si Rio. Hindi ka mapag-iiwanan, ako kasi...naiwan na eh."

"Hindi ka naiwan, tangina ka lang talaga."

Gusto na niyang ihampas 'yung bote sa ulo ng kaibigan.

"Pagkaarte-arte. Niligawan na't lahat, ayaw pa rin. Medyo nahuli lang, oo medyo nahuli tsk."

"..." Hindi siya umiimik. Pinaparinggan lang niya ang hinaing ng may tamang si Sunwoo.

"Kaso napag-iwanan na ako eh...wala na, finish na. Hokage kang pisti ka eh." Gigil na gigil si Sunwoo, may pag sabunot pa siya sa kaniyang buhok.

~

22nd of May

Sunwoo-hyung

Tol, may gagawin kaming project, ikaw na munang bahala kay highblood.
4:38 p.m.

Ihatid mo pauwi kukutusan kita kapag iniwan mo yan
4:40 p.m.

Wag mo kong sabihan, alam ko ang gagawin ko
sent 4:41 p.m.

Mabuti naman
4:42 p.m.

Pre hirap nga palang umiwas no? Konti konti lang muna siguro, masasanay rin ako.
4:43 p.m.

Ambakla kinginang yan
4:45 p.m.

Napag-iiwanan ka na haha
sent 4:46 p.m.

Lagi mo kong inaasar nan ah. Ano ba yan?
4:47 p.m.

Hindi mo ba talaga tanda?
sent 4:48 p.m

Hindi. Ayaw ko pating maalala yakk
4:50 p.m.


Inaya ni Yujin sa NS building si Rio para pag-usapan ang event tungkol sa Music Festival.
He's waiting for her sa likod ng malaking puno. Pinakiusapan siya ni Rio na huwag na siyang puntahan sa building na 'yon dahil hindi siya palalabasin ni Yujin kapag nalaman nito na magkasama sila.

"Asan na ba 'yong lalaking 'yon?" Rinig niyang bulong ni Rio. Hindi muna siya lumalabas sa kaniyang pinagtataguan dahil naaaliw siya sa babae. Palinga-linga ito at tumingala pa sa kalangitan.

Ilang segundo ang lumipas ng maglakad siya palapit sa babae at dumungaw hanggang sa makita na niya ng malapitan ang mukha nito.

"Beautiful..."

Hindi alam ni Jeongin kung nakuha ba 'to ng babae. Masyado siyang malapit at ayaw mawala ng kaniyang tingin kay Rio, maybe she won't take it as her compliment.

Antahimik nilang dalawa habang naglalakad pauwi. Ayaw rin naman kasi ni Jeongin magkwento ng kung ano-ano. Patingin-tingin lang siya sa babae na parang kahit anong oras ay matutumba sa paglalakad dahil hindi ito mapakali.

"You can't take your eyes off the sky, hindi ka ba nangangalay?"

Ngayon lang siya nagkaroon ng concern sa isang tao, ang mas malala sa isang babae. Siya kasi ang bunso sa kanilang magkakaibigan at sanay siyang siya ang inaalagaan. Hindi niya alam na dadating pala sa kaniya ang ganitong kwento na noo'y naririnig lang niya kay Hyunjin.

"Sinusulit ko lang 'yong ganda...hindi ko na kasi 'to makikita mamaya."

"Makakakita ka pa naman niyan bukas, o kung gusto mo, araw-araw pa."

"Alam ko, pero..." Hindi na tinapos ni Rio.

Umiling-iling lang si Rio at iniba na ang usapan.

"Ano...six thirty ang shift mo, hindi ba? Ba't mo pa ako hinintay?"

Hindi niya pwedeng sabihin na "mas mahalaga ka kesa sa trabaho ko" dahil baka magfreak out lang ang babaeng 'to. Ayaw rin naman ipaalam ni Sunwoo na binilin siya kay Jeongin.

"Because I badly need to see my sunshine before the sunset." Sagot niya.

Matapos niyang sabihin 'yon ay hindi na nakaimik pa ang babae, hanggang sa marating na lang nila ang gate ng bahay nito.

"Salamat sa hatid."

"Anytime."

Kumaway na si Rio at tatakbo na sana papasok nang bumalik siya sa kinatatayuan ni Jeongin.

"Iyen, can i call you later? After sana ng studies ko...pwede?"

"Sure. Pero siguraduhin mong tapos muna ang gawain mo bago ako, ha?"

"Oo ba." Ngiting-ngiti si Rio.

"Good."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon