CHAPTER NINETY SIX
warning.
"What? You didn't come last time kaya ako na ang nag-adjust." Kakaubos ko lang ng hinanda niyang chocolate cake pero yung tanong niya hindi pa pala tapos.
"Tss you should have told me na pupunta ka! Ano bang naisipan mo at bumyahe ka ng gabi?"
"Hoy, Yang Jeongin, hindi ako pumunta dito para pagalitan mo ha! Matanda na ako, kaya ko nang gawin kahit anong gusto ko."
"Napakapasaway mo talaga. Pag-aalalahanin mo na naman ang kuya mo!"
"Alam naman niya ang tungkol dito eh."
Of course, he will believe me...sino ba namang magdadalawang isip na paghinalaan ang napaka-inosente kong mukha?
Hindi ko siya dinaanan ng tingin nang magmartsa ako papuntang kitchen dala-dala ang aking pinagkainan.
Iniinis mo ako, Jeongin!
Umarko ang gilid ng aking labi, pinapakiramdaman ang papalapit na mga yabag patungo sa aking direksyon.
"Rio..."
"..."
"Sorry. Nag-aalala lang ako."
Heto na naman. After all of those cold weeks, ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ito. Lumapat ang dalawang braso niya sa aking bewang, kinukulong ako sa init at saya. Gabing-gabi na at ngayon lang talaga ako nakaramdam ng sigla.
"Gusto lang naman kita makita kaya ako pumunta eh..." Mahina kong sabi.
"I know, pasensya na hm?"
I died for seconds when he brushed his lips on my cheeks.
You won, Rio!
Alam ko namang hindi niya ako matitiis eh. He will always understand me. He will always make me the champion.
"Did you miss me?" Humarap ako sa kaniya, sumagot sa kaniyang yakap.
"A lot." I missed you too. At hindi na ulit ako babalik pa.
"Then let's sleep together. Please Iyen, please?"
Ah, this is fucking great! Na-miss kong sumubsob at halos matulog na sa kaniyang mabangong dibdib! Advantage kapag mabango at matangkad ang syota mo, may free pillow ka!
I looked up, bringing puppy stares as he lay a gentle press on my forehead.
"Here." Inosente kong tinuro ang aking labi.
He chuckled, giving me a peck.
~
Kuya Daesung
Stop calling me!
sent 1:12 a.m.
Please kahit ngayon lang, pabayaan mo muna ako!
sent 1:13 a.m.
Asan ka bang bata ka?!
Tangina isa ka pang sakit sa ulo eh!
Rio, 'wag mo nang hintayin ipahanap kita!
kuya naman!
sent 1:15 a.m.
Anong oras na sa tingin mo ha? Punyeta kang batang ka!
Kapag nalaman laman ko lang na may kinalaman to sa syota mo, humanda sa akin yang lalaking yan!
