Chapter Seventy Seven

10 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTY SEVEN

9:13 p.m.

Dialing Iyen-ie ...

Call Ended

-
Dialing Iyen-ie...

Call Ended
-

Dialing Iyen-ie...
00:00

"Hello?"

"...L-lead me on boy if you want. Take my heart and my love...take of me all that you want~"

"What happened? Bakit ka umiiyak?"

"And if there's a thing that you need, I give you the breath that I b-breathe. And if ever you y-yearn for the love in me~"

"Hey..."

"Wish I knew if I could be the one that you would love f-forever and a day baby. Oh yeah, and if there's a thing that you need for you and your blood that I will bleed, b-baby. And if ever you yearn for the l-love in me~"

"Whenever, wherever, whatever baby. Whenever, wherever, whatever~"

"Rio? Anong nangyari?"

"Jeongin...ganda ng b-boses ko 'no? Maswerte ka dahil ikaw ang una kong k-kinantahan."

"Why are you crying? Sabihin mo sakin..."

"Wala namimiss lang kita..."

"Tahan na hmm? I'll see you tomorrow, 'wag ka nang malungkot."

"Iyen, i don't want to be alone tonight. Can...can i see you?"

"Hindi ba't delikado nang lumabas? Pwede namang ipagbukas na lang 'yan, Rio."

"I w-want to see you...please."

"Sigurado ka? Mapapagalitan tayo ng kuya mo."

"I don't care, basta ilabas mo ako dito."

"Pero--"

Call Ended

Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na tumutulo sa aking mata. Nagmamadali akong nagdoble ng malaking hoodie. Tinangay ko na rin ang wallet at ang handphone.

Nang makausap ko na lang ulit si Jeongin ay tsaka lang gumaan ang pakiramdam ko. He is my biggest happiness, excitement, my safety, my loneliness.

Maingat akong lumabas ng bahay. Pakiramdam ko ay nakalag na ang mga kadena sa akin. I don't feel like we're far away anymore. Malapit ko na siyang makita, mayakap at makasama.

"Gabi na...delikado nang lumabas ang babaeng kagaya mo." Hinanap ko ang nagsalita.

"Jeongin!" Hind ko napigilang hinaan ang aking boses nang sa wakas ay matanaw ko siya sa tabi ng street lamps. Nakasukbit sa kaniya ang backpack, nakasweatshirt siya, ngunit wala na ang sweatband sa kaniyang ulo.

Hindi ko kaagad naitapak ang dalawang paa ko na para bang nasa panaginip lang ako.

Mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa papunta sa direksyon niya. Ngunit alam kong pansamantala lang ang pagbagal ng oras ngayon...dahil hindi ko na mamamalayan ang kinabukasan na hinihiling kong huwag na sanang dumating pa.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon