Chapter Eighty Eight

12 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTY EIGHT

21st of August

Iyen-ie

anong oras ka makakapunta?
sent 8:48 a.m.

lunch time ako babyahe

stop texting, may klase ka pa

hindi naman nakatingin si ms eh
sent 8:50 a.m.

ingat yen
sent 8:50 a.m.

yes po

"Ms. Kang, nakikinig ka ba?!"

Agad kong tinago ang handphone sa ilalim ng desk at hinarap ang teacher. Ngunit huli na ang lahat dahil kanina pa pala ako pinagmamasdan ng mga kaklase ko. Ayaw maalis ng mga tingin nila, lalo na ang tingin ng teacher namin.

Tumayo ako bilang paggalang. "Opo ms."

Hindi ako nakikinig sa'yo dahil hindi ka kapaki-pakinig. Masaya ka na ba, mam?

"What were we talking about then?" Nakapameywang siya at inayos ang glasses.

"Uhm..." I started fiddling on my fingers, eyes down, and not minding the awkward silence.

"Sit down! Inaabala mo lang ang klase ko. Sa susunod ay huwag nang gumamit ng phone sa klase, nagkakaintindihan ba tayo, Ms. Kang?"

"Yes po, sorry po!" Mabilis lang ang binigay kong tingin bago tuluyang naupo.

Naalis naman na ang mga mapanghusgang tingin ng mga kaklase ko. Mahirap kapag puro babae ang kasama mo sa isang silid. Mga mapagkunwari, mga naninira kapag nakatalikod ka, may mga walang pakialam rin sa iyo. Ano pa bang aasahan ko?

Nakakainis! Wala naman akong ginagawang masama pero hindi ko sila makasundo! Bakit ba ayaw nila sa akin? Wala na akong malapitan sa school, pati teacher ko sa cooking class ay may galit sa akin! Wala na akong mapaglagyan magmula nang lumipat kaming Seoul!

Natapos ang klase ni Ms. Sunny nang hindi man lang ako gumalaw sa kinauupuan ko. "May quiz kayo bukas, so get ready. Ms. Kang, come with me."

Napaayos lang ako ng upo nang tawagin niya ang pangalan ko. Agad akong tumayo at ramdam ko na naman ang habol tingin ng mga kaklase ko.

Ano na naman bang kailangan mo, ms? Tapos na ang pagalit mo ah?! At kayong mga babae kayo, insecure ba kayo o ano? Dukutin ko mga mata niyo eh!

Malayo ang building namin sa faculty, paniguradong mahuhuli ako sa next subject namin. Physical Education, kaya ibig sabihin ay panibagong oras ang kakailanganin ko sa pagbihis ng pe uniform, idagdag mo pa ang pagpunta sa gymnasium.

"Ms. Kang, hija, mula first day ay pansin ko ang pagiging ilap mo sa klase. Tinanong ko na rin ang iba mong subject teacher and they all agreed na palagi kang wala sa sarili. Uhm, may malalim ka bang iniisip? A problem or something?"

Weird. I didn't know na ganiyan ang kinikilos ko sa classroom. Ang tanging alam ko lang ay ayaw sa akin ng mga kaklase ko. Wala akong kaibigan and in exchange, no choice ako kundi maging tahimik lalo.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon