CHAPTER THIRTY THREE
29th of April
Something's different. Sa ilang taong pagpasok sa eskwelahan ay ngayon lang siya nagtali ng buhok. Naka-braids ang buhok niya, may lilac na bow ang magkabilang dulo. Noon pa man ay lagi nang nakalugay ang itim at maalon niyang buhok.
Shoulder length ang haba nito, at dahil nga nakabraids siya ngayon ay mas naging kapansin-pansin pa ang ribbon na mas malaki pa ang nasakop kesa sa mismong braids niya."High school ka na nakuha mo pang mag ganyan ng buhok!" Puna ng pinsan niya.
"Pinsan naman...ngayon lang 'to." Sinuot na niya ang sapatos bago lingunin ang pinsan para magpaalam. Pinihit na niya ang knob at tuluyang lumabas.
She's excited. Mas mabilis ang paglakad niya kumpara dati.
May dala pa siyang packed lunch. Sa buhol lang ng dark green na tela ang makakapitan niya kaya sinisigurado niyang mahigpit ang pagkakahawak niya rito.
Nang makatawid na siya ay mas binilisan niya ang paglalakad. Ilang metro na lang at Eastern Bay High na. At ilang minuto na lang mabibigyang kasagutan na ang dahilan ng kaniyang pagka-atat.
Umaasa siyang papasok na ngayon ang lalaking nakatulugan niya sa kakahintay ng reply kagabi.
Walang eksaktong oras ng pagpasok si Jeongin. Minsan maaga. Minsan late. Kaya naman pumasok si Rio ng nasa pagitan. Dalawampung minuto bago magtime.
Bawat hakbang niya patungong ikalawang palapag ay nag-oorasyon siya na sana pagkabukas niya ng pintuan sa kanilang silid ay may maabutan siyang lalaking sinisilid ang mga biscuits and yogurts sa backpack nito.
O kahit late man lang oh, basta pumasok na siya.Binuksan na niya ang pinto at agad dumapo ang paningin sa upuan katapat ng kaniya. Ngunit walang Jeongin doon.
Siguro late lang siya...
Dumiretso siyang upuan at ipinatong ang lunchbox na nakabalot sa dark green na tela.
Humalumbaba siya. Nakatitig sa kawalan.
Nang may kumaway sa harapan mismo ng mukha niya.
Nakangiti siya. Naninibago si Rio sa kaniya dahil ngayon lang talaga siya nito binigyan ng ganung katamis na ngiti.
"You look problematic, Rio-ssi. Is there something wrong?"
Hindi niya alam kumbakit in-approach siya ng babae.
Porket ba nalaman ko lang na gusto mo rin si Iyen kakaibiganin mo na ako?
"Yujin."
Naupo ang bagong dating na babae sa upuan na katapat ng kaniya. Upuan 'yon ni Jeongin.
"Wala pa rin ba siya?" Malungkot si Yujin at medyo hininaan ang boses.
"Baka late lang siya ngayon."
"Sana nga pumasok na siya, nakakahiya aminin pero gusto ko na siyang makita. I miss him."
Napakurap siya sa narinig mula kay Yujin.
That's awkward, having the same feeling over the same person.
Nanatili siyang tahimik.
"You know Rio-ssi, last night, ihuhulog ko na sana ang letters na hawak ko sa locker niya, namamag-asang mababasa niya na 'yon kinabukasan, but then you came."
"..."
"Hindi naman sa sinisisi kita. Sa totoo nga lang, nagpapasalamat akong nalaman mo ang tungkol doon, pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng kakampi."