Chapter Seventy Eight

11 0 0
                                        

CHAPTER SEVENTY EIGHT

Mabuti na lang at hatinggabi ang curfew ng apartments sa Track Avenue. Meaning, i'm blessed to have my whole night with him.

"Mmm i really love your shirts, ang komportable..." Abot hanggang siko ang manggas nito sa akin dahil sa laki.

Nakasandal siya sa headboard nang humiga ako sa tabi niya. Niyayakap ko ang kaniyang tiyan at sinusubsob ang aking mukha rito.

He's busy with phone, and not even looking at me. Nagpapakagamer na naman siya eh lagi naman talo.

"Psh kanina ka pa nakatingin jan, tama na nga yan!" Inagaw ko ang cell niya. Hindi na siya nakapalag nang isilid ko yun sa loob ng aking damit.

Bahala ka jan matalo.

"You're not listening to me and i don't like it." I plainly said.

"..."

"Tss tumabi ka nga sa akin! Dito ka!" Tinapik ko ang espasyong para sa kaniya.

Tinawanan niya lamang ako at hindi na pinatulan pa ang pagiging mautos at maingay ko.

"Love, Iyen... mahal mo ba ako?" Tanong ko nang sa wakas ay ramdam ko na ang ang init ng kaniyang katawan sa tabi ko.

Para akong isang maamong tupa kung maglambing. Kung kanina ay sinumpong ako ng pagiging tigre, ngayon ay daig ko pa ang isang munting bata kung manghingi ng atensyon.

Nakangiti siya nang itiklop ang mga palad ko at mabilis akong hinalikan sa noo.

"Kaya kita hinalikan kasi mahal kita, kaya kita tinitingnan ng ganito kasi mahal kita...nagdududa ka ba sa'kin hmm?"

"Hindi 'no! Alam ko namang sakin ka lang eh. Tinanong lang kita para ayain ka."

"..."

"Uhm, magpakasal na kasi tayo, Jeongin...i want a family."

Kapag kaharap ko siya ay pakiramdam ko wala akong dapat problemahin. Para bang ang lahat ng hinihiling ko sa kaniya ay tama.

"Naman eh...ilang beses pa ba nating pagtatalunan ang tungkol dito?" Pinipigilan niyang hindi mairita ang kaniyang tono.

Gusto kong sumalungat sa kaniya. Pero binulag niya na ako gamit ang kaniyang malalim na halik. Ramdam ko ang galit sa bawat kagat na naiiwan niya sa aking nangangatal na labi.

"Don't say that again! Hmm?"

"I need a fucking excuse! Dahil hindi ko kayang iwanan ka dito!"

"..."

"Come with me, Jeongin."

"What?"

"Kung ayaw mo akong itanan ay sumama ka na lang sa amin! I...i can provide for you! H-hindi mo na kailangang magtrabaho basta sumama ka lang sa akin!"

Mahigpit ang hawak ko sa kwelyo ng kaniyang shirt, hindi binibitiwan ng tingin ang mata niya.

I can't continue my life without him. And whatever it takes, i'll go for being in love and dumb, 'cause this is where i want to live, where it's just us and our home. It feels naively eternal... and I feel odd like our love will surely last forever.

"God, i can't be with you..."

He has pride, alright? And I was so pathetic to think that he'd say yes just to be with me.

Akala ko ay natuldukan na ang usapan namin tungkol dito ngunit mas lalo ko pa itong pinapahaba. Why can't he understand na siya lang ang kailangan ko sa mundong ito?

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon