Chapter Eighty Seven

7 0 0
                                    

CHAPTER EIGHTY SEVEN

19th of August

Lee Nari's

"Oy, nasa Seoul daw yung girlfriend ni Jeongin? Legit ba?" Inasinta ni Seungmin ang dart bago tuluyang tamaan ang nakadikit na nakawackyng picture ni Changbin sa board.

"Takte, ba't sa baba mo pinatamaan?" Tumayo si Changbin at hinigit ang picture niya.

"May...may girlfriend na ba ang batang 'yon?" Nilingon ko si Han. Hindi ko pwedeng tanungin si Changbin dahil mas marami pa ang fake news niyan. At wala rin namang alam si Seungmin sa mga ganiyang usapan.

"Tagal na. Ilang buwan na rin. Tindi 'no?" Si Changbin ang sumagot.

"Kaya pala hindi na nagparamdam may iba na palang inaatupag."

"Sinabi mo pa, mare. Hindi na nga ako kinikilalang kuya 'non."

Sinamaan ko ng tingin si Changbin, "Bakit? Kakuya-kuya ka ba?"

"Sadya! Oppa ng Seukdong 'to!"

Nakakakilabot si Changbin kapag kumikindat.

"Tanungin mo kaya ang batang 'yon kung saan banda sa Seoul si Rio?" Sabi ni Han

Iniwan ko sila saglit para maghanda ng snacks. Ang aga nilang pumunta sa Lee's. Pagkadismiss na pagkadismiss yata ay sumugod na sila dito. Magkakaiba ng course ang mga 'yan, pero pare-parehas sila ng takbo ng utak kung kelan magchichill.

Pagkauwi ay dito agad ako dumiretso, naabutan ko pang may pinapagalitan si Teacher Hwasa, 'yong bagong estudyante ata na madalas raw nakakabasag, nasusunog ang mga niluluto at walang improvement.

"Alas! Bago 'to ah? Penge ah!" Dinampot ni Han ang sweet corn flavored cookies.

Tinampal ko naman agad ang kamay ni Changbin na pasimpleng sinusuri ang maple walnut flavored. "Aray! Putragis!"

"Kay Seungmin 'yang flavor na 'yan, sweet corn ang inyo!"

"Putragis ka naman Seungmin. Special child ka talaga!" Kamot ulo naman si Changbin. Sinimangutan lang siya ng pinsan ko.

"Teka, asan pala si Hwang? Nag-aaral ba ng mabuti?"

Bihira kasing umabsent si Hwang Hyunjin sa mga simpleng petiks eh. Kahit saan, basta may pagkain, barkada, at alak, pasugod lagi 'yon.

"Masigla pa 'yon nung nakaraang araw kaso...pfft." Panimula ni Changbin.

"Si Hwang? Pfft, nako, nakila kuya Woojin, broken ang loko." Nag-apir ang dalawang ugok.

"Why? Break na sila ni Ate Soo Ah?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi naman. Advance lang mag-isip si Hyunjin. Akala niya iiwan na siya ni noona kasi nga diba, fresh graduate si Soo Ah noona." Paliwanag ni Seungmin.

"Pati ganon naman talaga lagi si Hwang, kung makasugod kila kuya Chris feeling break na sila ng syota niya!"

"Ah makadayo pala dun, balita ko nagpapakabinata sila eh!" Dagdag pa ni Changbin.

Ewan sa inyo. Ang iingay. Isa pa itong si Changbin, akala mo may sama ng loob kung magsalita. Minsan magtatanong lang siya, parang galit lagi. Siya na nga may kailangan, siya pang nakakunot ang noo.

Nilapit ko ang platter sa harapan ni Seungmin.

Nagdoble na muna ako ng light sweater bago tuluyang lumabas.

Mabuti naman at hindi na nagpapagalit si Teacher Hwasa. Pinapanood ko lang ang mga highschooler na busy sa kani-kanilang workplace.

"Good afternoon, miss." Nginitian ko lang pabalik si Teacher Hwasa.

Kapansin-pansin ang isang babaeng mukhang nahihirapan buhatin ang malaking kahon patungo sa kitchen. She has an apron on her, a teeny, and i assume na isa siya sa mga estudyante rito.

"Hey, you're supposed to be in your workplace, anong ginagawa mo?" Nilapitan ko siya at tinulungang buhatin ang malaking kahon.

"Sa-salamat. Uhm, inutos sa akin 'to ni Teacher Hwasa. Huwag na raw ako magluto." Pinunas niya ang kamay sa apron.

"Sounds like a punishment. Hayaan mo, pagsasabihan ko siya."

"Excuse me?" Naguguluhan niyang sabi.

Pinagpagan ko saglit ang kamay bago ilahad ito sa harapan niya. "Where are my manners? Uh sorry, I am Lee Nari."

"You are the daughter of the owner? I'm so sorry!" Yumuko siya, ilang segundo bago bumawi.

"Ako si--" Napatda siya nang bumukas ang pinto ng kitchen. Bumulaga si Teacher Hwasa na nakapameywang.

"How disrespectful! You should not talk like that kay Miss Lee."

"Teacher..."

Lumabas na si Teacher Hwasa at nakayukong  sumunod naman agad iyong babae.

Halos magusot na ang apron niya sa tindi ng pagkakahawak niya rito.

Kung ako ang tatanungin, mukha siyang mahinang klase ng babae. Ang inosente tingnan ng mata niya, pang-elementary ang ayos ng buhok, at pouty ang labi niya.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay may sumagi sa isip ko.

Mapasensya kong pinindot ang doorbell.

Antagal naman. Kanina pa ako nakatayo rito, may tao kaya?

Nasabihan ako ni Felix na may bagong lipat kaming kapitbahay. And i'd love to offer them my recipes. Isang simpleng egg dumpling lang naman pero sigurado akong masarap ito.

"Hello? Excuse me?"

Hindi nakalock ang pinto kaya't pumasok na lang ako.

Magulo pa ang bahay. Hindi pa nasasalansan ang mga vases at ang iilang gamit ay nasa kahon pa.

"Ilalagay ko dito, sana magustuhan niyo." Ipinatong ko na lang ang pagkain sa counter.

Tatapak na lang ang paa ko palayo sa kitchen nang may marinig akong kakaiba.

Tangina. Ano yun?

Hinanap ko ang pinanggagalingan ng tunog.

It's creeping me out. Mas lumalakas ang kamuhi-muhing tunog. I can hear his groans and arousal.

Naglakad  ako sa pinakamalapit na pinto. Bahagya itong nakabukas.

Psh! Araw na araw naggaganito!

"S-sino yan?!" Nakuha pa niyang magtanong sa kalagitnaan ng mga hingal niya.

Tumaas ang balahibo sa batok ko. Pakiramdam ko rin ay nangimi ang buong katawan ko nang lumingon ang lalaki sa gawi ko. Hinahalukay ako ng mata niya. Ampula pa ng labi gawa siguro ng kakakagat niya.

Don't look down! Don't look down!

His hands are wrapped on his thing.

"I- i'm sorry! Aalis na lang ako!"

Nagmamadali akong lumabas. Pilit kinakalimutan ang mukha niya habang ginagawa yun.

Ahh nakakadiri!

"Err nakakadiri pa rin. Duh."

Lee Minho. You made your first weirdest  impression to me.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon