CHAPTER ONE HUNDRED FOURTEEN
25th of September
"Kuya...may plano ka bang magpakasal?" Sinalubong niya ng tingin sa salamin ang nakakatandang kapatid. Nakaupo siya sa harap nito, habang nakatayo naman si Daesung at sinusubukang maitali ng maayos ang braids niya.
"Ridiculous. Bakit mo naman biglang naitanong?"
"Kasi gusto ko na ng pamangkin."
"Mm kapag nag-asawa na ako hindi na kita maaalagaan."
"Would be much better. Matanda naman na ako no!" Pinatong niya ang kulay pulang ribbon sa mesa kung saan mas maaabot ng mabilis ng kaniyang kapatid.
Hindi sumagot ang nakatatanda. Iniiwasan niyang magsalita tungkol sa mga ganung usapan.
Muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Mukha siyang inosente dahil sa suot na uniporme at sa kalalabasan ng kaniyang buhok.
"Kuya Dae, pangit ba ako?"
"Papangit ka lalo kapag forever ka nang nakasimangot jan!"
"Should i smile then?"
Kung makapag-usap ang magkapatid ay tila ba malalim at punong-puno ng kabuluhan ang pinag-uusapan nila.
"Maganda ba sa babae kapag nakangiti, kuya?"
"Maybe. Huwag ako ang tanungin mo! Sa pinsan mo ikaw mag-interview."
Napanguso na lang siya. Kung sa kapatid nga ay wala siyang matanggap na matinong sagot, sa pinsan pa niya kaya na puro kahangalan ang alam?
"Alam mo, manang-mana ka kay mama, bunso."
Tapos na ang kaniyang braids.
Naupo sa dulong bahagi ng kama si Daesung habang siya nama'y hindi pa tapos pagmasdan ang sariling mukha. Nang tumuntong siya ng limang taong gulang ay ang kapatid na ang taga-ayos ng kaniyang buhok. Iniipitan siya nito noon, iba't-iba ang mga istilo at mayroong makukulay na clips.
"Si mama? M-mana ako? Bakit naman?"
Pinagpaliban niya ang pagdampot sa backpack at naupo na muna rin sa kama, hinihintay ang sagot ng kapatid. Sa kaniyang pagkakatanda ay ngayon lang nagkaroon ng panahon ang kaniyang kuya magsalita tungkol sa kanilang magulang. Maski si Daniel ay walang nabanggit sa kaniya.
"Both shy and both are lovely...tandang-tanda ko pa noon na palaging isipin ni mama kung anong susuotin niya sa tuwing uuwi si papa."
"Really? Ang praning naman pala ni mama."
"Then everything changed. Not really a change, actually. Lumala lang ang sitwasyon."
"Huh? Lumala ang alin?"
"..."
"Kuyaaa! Ano yun?!" Takang-takang tanong ng babae.
Umiling lang ang nakatatanda at ngumiti, "Napapasarap ang kwentuhan natin, pumasok ka na. Late ka na oh."
"Hmp mamaya na! Tapusin mo na muna ang kwento mo!" Nagpapadyak siya at pinagkrus ang mga braso.
"Makulit ka pa rin talaga, bunso...batang-bata ka pa rin."
"Bata? Ew! Dalaga na ako, kuya! Matanda na ako!"
Inirapan lang siya ng kaniyang kapatid. "O...kay. Since big girl na pala ang bunso, i'll tell it to you. Panahon na siguro para malaman mo ang nakaraan ng nagluwal sayo."
"Ih? Hahaha parang tanga! I didn't know na something interesting pala ang past ni mama."
"Of course hindi mo alam. Wala kang alam."
Sumampa siya sa kama, dumapa at humalumbaba habang hinihintay magsimula ng kwento ang nakatatanda niyang kapatid.
"Mm, you are their last memento."
"Ano? Anong last memento? Horror?"
"Mom loved him so much...while papa had you know..."
"Hm? Ano? Linawin mo, kuya."
"He's deeply in love with mama... sobra-sobrang pagpoprotekta ang ginawa niya kay mom noon. He was so obsessed and he wounded her good."
"... he was slowly ruining our mother."
"That's normal... and amazing!" Nanginginang ang kaniyang mga mata. The plot had a lot of twists and turns, hindi niya maitatangging nagulat siya sa niladlad na nakaraan ng kaniyang magulang.
"Mm mmm, it wasn't... he raped her and you came." Humalukipkip ang nakatatanda, sinusuri ang magiging reaksyon ng babae.
"So i was made by mixed abuse, romance, and tears?"
"Uh-huh, then after she gave birth, she ended her own life. At si papa naman, dahil nga mahal na mahal niya si mama, sumunod siya."
"Sweet. Ang gwapo siguro ni papa?"
"Syempre, kanino pa ba ako magmamana?"
"Yuck pangit ka kaya, kuya."
"Edi pangit ka rin?"
"Hindi. Maganda ako, 'no!"
"..."
"Kuya..."
Bumangon siya at nag-indian sit. Pinagdaop niya ang mga palad at biglang sumeryoso ang mukha.
"I'm scared..."
It came nowhere. Her emotions are wasted, but her head knows no mess. Tanging ang puso lang niya ang nakakapagdikta sa kaniya ng kaba at pag-aalala habang ang utak ay walang pa ring maabot na katotohanan kundi ang sarili niyang paniniwala't kagustuhan.
"Not him again, bunso. Sawang-sawa na ako makarinig ng kung ano-ano tungkol sa lalaking yun!"
"What are you talking about? Nag-aalala ako sa relasyon namin, kuya."
Her boyfriend became impassive and she still doesn't get it.
"You'll be fine, Rio. He'll be dead in your head soon, just let yourself rest."
"A-ano bang sinasabi mo kuya? Slow down, will you?!"
Unti-unting bumabaon sa kaniyang inosenteng isipan ang pinaparating ng nakakatanda.
Hindi ko maintindihan!
A-ano bang pinagsasabi niya?!
Ano na naman bang kalokohan ito?!
Gusto pa niyang makarinig ng ikabubusog ng kaniyang utak. Ngunit alam niyang hindi ito kayang tanggapin ng kaniyang puso.
"Rio...matagal na kayong hiwalay ni Jeongin. Please stop this sick game."
