Chapter Sixty Seven

14 0 0
                                    

CHAPTER SIXTY SEVEN

27th of July

"To naman! Para namang others kami kung mailang ka." May pagtapik pa sa akin ang kaibigan ni Jeongin na nakadenim jacket at may shades na nakasabit sa collar ng shirt nito. Seo Changbin ang pangalan.

"Nandito rin kami nung festival ah, ba't di ka man lang namin nakita?" Takang tanong ni Hyunjin.

"Ahh? Hehe..."

"Nga naman, at tsaka, parang hindi ka naman ganiyan katahimik nung sa video call, Rio." Ito naman si Han Jisung. Sa kanilang limang lalaki nila Jeongin, siya ang mukhang madaling i-approach.

Sa totoo lang, hindi ako sa kanila naiilang. Kundi dun sa babaeng kasama nila. Kanina pa ako parang natatae sa kinauupuan ko. Hindi na ako lalo nakaimik nang tumama ang tingin nung babae sa salamin at saktong napatingin ako. Siya kasi ang nagmamaneho nitong mini van na pagmamay-ari rin nila. Ayon kasi sa kwento ni Jeongin, may farm house raw itong si Ate Soo Ah sa Busan kaya dito na rin sila nagbakasyon.

"Pagkadating na pagkadating natin sa inn, hahayaan kong kilatisin mo kaming maigi." Dagdag pa ni Kuya Changbin o Changbin na lang.
Four years ang tanda nila sa akin. Si Han Jisung, Kim Seungmin, at Seo Changbin ay junior na sa pasukan, at sophomore naman itong si Hyunjin dahil tumigil siya ng one year.

"Boi, tingnan natin kung maalala mo pa kami. Baka masilaw ka sa mga hubad dun." Natatawang sabi ni Hyunjin.

"Gago ikaw rin. Baka iwanan mo si Soo Ah noona pagkatapak na pagkatapak natin." Nasa shotgun seat si Hyunjin pero umabot ang kutos niya kay Changbin na nakagitgit sa bandang kaliwa sa likuran niya.

"O- oy! Hindi ah. Noona, 'wag mong pansinin 'yan ang pinagsasabi ni baba ha." Parang nanlalambing na pusa si Hyunjin sa jowa niya.

Muli kong tiningnan si Ate Soo Ah. Is she real? Model ba siya? Hindi na nakakapagtaka kumbakit nagkatuluyan sila ni Hyunjin. Ang appeal ng golden dutch braided hair ni Ate Soo Ah. Idagdag mo pa ang wayfarer at ang peach dress niya na talagang summer na summer ang datingan.

Hindi pinansin ni Ate Soo Ah ang aegyo ni Hyunjin. "Walang talab ang paganyan ganyan mo, Hwang. Mabuti pa, magsanib pwersa tayo mamaya sa panghahunting ng--" Naputol ang sasabihin ni Changbin nang pabilisin ni ate Soo Ah ang takbo ng sinasakyan namin. Huwag kayong mag-alala, liblib ang binabaybay namin. Walang kahit na anong sasakyan ang sumasabay sa amin sa mahabang kalsada na ito.

"Chill ka lang jan, noona. Si Han at Seungmin na lang ang isasama ko."

"Asa." Masungit na sabi naman ni Seungmin. Ang cute nito magtaray, nagmumukha lalong tuta.

"Hot spring ang pinunta ko, hindi kinis at kutis." Sabi ni Jisung.

"Ayaws? Fine, kami na lang ni Iyen."

"Kuya naman." Buti naman. Kanina pa kasi to sumusuot sa utak ko. Mga hubad ang tao--babae dun. Public hot spring ang kinuha nung mga lalaki, at private open air naman sa amin ni Ate Soo Ah. Paano na kung...aish paano na kung may makasama sila dung slovakian na nanlalason sa isipan ng mga gwapong lalaki? Hindi naman siguro. Babantayan pa rin kita, Yang Jeongin!

Isa't kalahating oras lang ang byahe papunta sa hot spring inn. Tahimik lang magmaneho sa Ate Soo Ah, si Hyunjin naman ay tulog ata o baka nagpapapansin lang sa noona niya. Si Seungmin ay naglalaro sa phone niya. Si Han lang at si Changbin ang nag-iingay sa loob ng sasakyan.
Binuksan pa ni Changbin ang bintana para daw tagos ang hangin. Mas binilisan pa ni Ate Soo Ah ang pagmamaneho at ikinonekta ni Han ang speaker sa kaniyang phone.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon