Chapter One Hundred Twenty Four

8 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FOUR

3rd of October

"Do you want something? Popeye's? O dessert na lang?"

"I'm fine, kuya. Sa bahay na lang tayo kumain."

Tamad na tamad kong pinadapo ang tingin sa driving mirror dahil sa paulit-ulit niyang katanungan. The windows are down, letting me catch glimpses to these normal... and boring town people.

"You sure? Aandar na tayo..."

Binalik ko ang tingin sa bintana at binalot ang sarili ng cardigan. Older brother took me to a place I never wished to ran to. It was all white, sterile, and I almost inhaled the different chemicals passing through my sensitive olfaction.

Mabait ang doktor na nakausap ko kanina. Her name is Lee Sunmi, maganda siya at bata pa. She nicely asked things about me and my relationship with Jeongin. Nainis pa ako nung una dahil ayaw kong interogahin niya ako sa private life ko, but then sinaway ako ni kuya dahil sadya raw na nagtatanong ng mga ganung bagay ang mga doktor sa kanilang pasyente.

Ayaw ko talagang sumama pero sabi ni kuya, kapag sumama raw ako ay papayagan niya na akong umuwing Busan para makita si Iyen. Masaya ako dahil naiintindihan na niya ang nararamdaman ko. Nauto ko siya, ano?

Kung kanina ay malinaw pa sa akin ang kainosentehang nararamdaman ko, unti-unti itong nawala.

I feel blank, again. There's something wrong within me. There are certain and uncertain things I didn't know. Then it all fed me up.

"Can you promise me na you'll always stay by my son's side? And kung masaya na siya kapag kasama ka niya, then make him happier. I know pagbibigyan mo ako sa simpleng pabor ko na 'to... bilang ina, gusto kong may mag-alaga sa kaisa-isang anak ko."

It was when Sunwoo's mother asked me for a little help. Panahong nasa Busan pa kami. Natatandaan ko pa ang sobrang inis ko dahil ayaw ko ng responsibilidad, lalo pa't nagkakalapit na kami ni Jeongin nung mga panahong yun.

"Liligawan kita..."

Then, Sunwoo. I was so frustrated that time. He kissed me, and that was fucking wrong. Binura ko na sa isip ko ang tungkol dun.

"I can't fucking swim, do you think gagawin ko yun sa sarili ko? Are you insane o nagpapanggap ka lang na inosente?"

Lastly, Ahn Yujin. Alam ko na ngayon... but I still can't believe I did that. Ngayon lang sumiksik sa kokote ko na ginawa ko yun at nagsinungaling ako kay Iyen na hindi ko kagagawan ang pagtulak kay Yujin sa pool.

I'm becoming a mad man, since he drew in my life.

~

"Rio...matagal na kayong hiwalay ni Jeongin. Please stop this sick game."

Ilang araw lamang ang lumipas mula nang tuluyang masira ang mundo ko. Hindi ko alam ang katotohanan. Hindi ko na rin alam kung sino ang dapat kong paniwalaan.

H-hiwalay?

Hindi...

Hindi yun magagawa sa akin ni Iyen.

Mahal niya ako.

Mahal na mahal.

"Lumayo kayo! I'm telling you... hindi ako magdadalawang isip na gawin ito!"

Nakakangilong tunog ang pumuno sa aking kwarto ng umagang iyon. Nabasag ang kumikinang na piraso ng salamin na nagkalat naman sa malamig na sahig.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon