Chapter Sixteen

10 0 0
                                        

CHAPTER SIXTEEN

9th of April

"Ang samaaaaa nakakasura talaga!" Nasanay na akong maglakad lang papasok sa school pero kinailangan ko na ngayon magbisikleta.

Ang ganda ganda ng plano ko kagabi na maaga akong papasok para magreview habang hinihintay si Jeongin pero ang kinalabasan...argh!Isang oras na akong late. Malamang pagkadating ko paalis na si Ma'am Sera, paano na ang quiz ko?!

Wala ang pinsan ko sa bahay, kaya wala ang ikalawang alarm clock ko. Totoo palang kapag hindi mo sinasadyang mahuli, kakabahan ka ng todo todo.

Ipinarada ko na ang bike ko sa mga kasamahan niya pero syempre inilayo ko ng kaonti mahirap nang magasgasan ang savior ko ngayong araw.

Kumaripas na ako ng takbo, hawak mabuti ang buhol ng telang pinambalot ko sa'king lunch box.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto.

Ramdam kong mas lalong tumahimik nang ibaling nilang lahat sa'kin ang mga mata. Natigil sa pagsasalita si Ma'am at ibinaba ang librong hawak-hawak niya.

"Good morning, ms. Kang. Aga natin ah?"

"Sorry po..." Tiningnan ko pa ang mga titig ng mga kaklase ko. Fyi, hindi ako nahihiya sa inyo, manigas kayo.

"Maupo ka na, ms.Kang. Sayang ang natitirang limang minuto ko." Tumingin pa siya sa relo at ginalingan ang pang-iinis sa'kin.

Tandang dalaga. Bagay talaga sila ni sir Jungeun.

Dumiretso na ako sa'king desk at inilapag ang bunga ng effort ko kagabi. Pilit ko namang hindi mapalingon sa habol tingin ni Jeongin. Taena nahihiya ako sa'yo, 'wag ka nang tumingin please.

Siya talaga ang may gawa kumbakit alas tres na ako natulog.

Nagbasa kasi ako ng libro at na-miss ko si Iyen sa kalagitnaan ng pagbabasa ko. Ilang minuto akong tumunganga and I ended up stalking his account on SNS.

Ang latest posts ay puro tags ng kaibigan niyang hindi ko kilala pero mga gwapo rin, buti na lang at matiyaga ako, dinayo ko pa ang kadulu-duluhang post niya. Nagsave na rin ako ng pictures dahil hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko.

Ang gwapo niya talagaaa, kahit picture lang 'yon, hindi maikakaila ang pagkaperpekto niyang nilalang. Puro selcas lang, ni walang status kaya no idea ako sa kaganapan sa buhay niya. Samantalang ang posts ko ay puro picture ng mga lugar. Kapag nagustuhan ko, kukuhaan ko.

Lumayas na ang teacher namin at sumunod ay morning break na.

"Ikalawang late mo na 'to." Humalumbaba siya, hinihintay akong sumagot.

'Yong tinititigan ko sa screen kagabi, nasa harap ko na ngayon at nakatingin sa'kin.

"Ginabi ako sa paggawa ng baon ko."

Tumawa siya, "Ah talaga?" Alangan naman sabihin kong hindi niya ako pinatulog kakastalk sa kaniya.

May hinugot siya sa ilalim ng desk niya at hindi na ako nagtakang may naka-imbak doong pagkain.

"Ibang klase ka rin, hindi ka nawawalan ng pagkain dahil sa misteryosong nagbibigay sa'yo nan."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon