CHAPTER THIRTY SIX
05.06
Hi.
Galit ako hindi lang talaga halata.
Sa totoo lang, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Madness? Sadness? Or dissapointment. I'm in my room, sitting on my window seat, watching the stars and the glow of the moonlight. Masyadong maganda ang tanawin sa samu't saring negatibong nararamdaman ko.
Kanina inaya ako ni Sunwoo para sa date kuno. Kumain kami sa isang Japanese Restaurant and after that, dinala niya ako sa bahay nila. Gusto raw ako makita ni tita dahil one week na lang ang stay niya dito.
Tapos ayon...don na nagsimula ang bangungot.
He kissed me on my lips, mahigpit pa ang hawak niya sa magkabilang kamay ko at hindi talaga ako makawala kahit nagpupumiglas ako.
Matagal ang halik na yon at mukhang hinihintay pa niya ang tugon ko.
Tumigil lang siya nang makitang tumutulo na ang luha ko. Likas akong mahina pagdating sa ganung bagay lalo na't ayaw ko sa ginawa niya.
Naiinis ako. Dapat pala nag-aral akong taekwondo dati para naipagtanggol ko ang sarili ko.
Nadidissapoint ako. Hindi porket alam niyang wala akong laban,kinuha niya na ang second kiss ko. Sa ginawa ni Sunwoo, ilang na ilang na tuloy ako sa presensya niya. Ba't ganun? Hindi ba pwedeng bumalik na kami sa dati na magkaibigan lang kami?
Nalulungkot ako...wala na akong purity na natitira kay Jeongin. Huhuhu.
Sana may makilala na si Sunwoo na bagong magugustuhan niya. Kung kelan naman nagkakamabutihan na kami ni Iyen tsaka siya nakikisali.
▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/
Love,
Rio K.
