CHAPTER SIXTY FOUR
23rd of July
My cousin? Well, he's a fan of korean drama. Mas marami pa siyang irit kesa sa akin. Magulo siyang lalaki at magulo rin ang kwarto niya. One time wala siya kaya nilinis ko ang kwarto niya. Until i saw a freaking book on top of his crumpled duvet, mukhang nakatulugan basahin. Hindi normal na libro 'yon gaya ng iba na meron kang mabubuong storya pero may mapupulot ka namang aral. Arts and ways to touch. R18 type of a book. Hindi na ako magtatakang may ganun siya, ang pinagtataka ko, bakit ko pinuslit at binasa? Dw, limang page lang naman ang nabasa ko.
Kanina napagdesisyunan ko nang ibalik ang nyemas na librong 'yon. Binuksan ko ang drawer niya at isisingit na sana sa mga iilang papel at kalat na nandon nang may napansin ako. Ayoko nang mangialam dahil ayoko ng ekstrang isipin pero nagkusang mangalkal ang kamay ko. There were pills, and syringe hidden under his stuff.
I hate something what was on my mind. I walked out his room nang hindi mapakali. What was that for? Hindi sa ignorante at inosente ako. Hindi ko lang kaya idigest na may ganung bagay siyang tinatago.
"Hey! Okay ka lang?" Am not. Imbis na malungkot lang ako dahil ihahatid na namin si Sunwoo mamaya, dumagdag pa sa isipin ko ang pinsan ko.
"Yeah, iniisip ko lang kung magiging okay kaya si Sunwoo sa Seoul..." Sumimsim ako ng blue lemonade. Mula kaninang pumasok kami sa coffee shop na ito ay hindi ako nagsasalita ng may kinalaman sa pag-alis ng lalaking 'yon. He's in the comfort room kaya ngayon lang ako naglabas ng concern.
"He will be okay. Makapal ang mukha ni Sunwoo, at isa pa, matagal na niyang gustong makatapak sa Seoul."
"I'll miss him. Ayoko sabihing nagsisi ako sa pandededma sa kaniya." Natatawa kong sabi at tamad na inikot-ikot ang paubos na baso.
"You were busy with me."
"Right, mas inintindi kita kesa sa kaibigan ko. Mahal kita eh." Saglit kong tiningnan ang wristwatch. It's passed 9 am. At alas diyes ay dapat makarating na kami sa station.
"What were you guys talking about?" It's him. Nandito na pala siya. Naabutan niya kami ni Iyen na walang imikan at alam ko namang nakucurious siya. May pagkatsismoso rin.
"Antagal mo. Tara na." Hindi man lang siya nakaupo. Sinukbit na niya ang backpack niya. Nag-aalinlangan pa niyang hinawakan ang maleta.
"Ayokong dalhin 'yang kinginang maletang 'yan. Iyen, ikaw humila nan!" Nanggagalaiting sabi ni Sunwoo nang makalabas na kaming coffee shop.
"Why? Mabigat? Sabi sa'yo iwanan mo na 'yong mga hindi importante eh." Nauuna akong maglakad sa kanilang dalawa.
"Hindi 'yon! Aish! Ayokong maramdamang aalis na talaga ako, guys. Kahit 'yong oras man lang natin papuntang station, gusto ko lang isipin na normal na araw lang para sa 'tin ito." Napahinto ako sa paglalakad nang sabihin niya ito. A-ayoko umiyak sa kalsada! Andami pa man ding tao ngayon.
"Dapat pala hindi ko na sinabi 'yon." Kamot-ulong sabi ni Sunwoo. Hinablot niya ang maleta kay Jeongin. "Akin na nga 'yan! Patahanin mo 'yang syota mo, maingay pa man din 'yan umiyak."
Patakbo akong nilapitan ni Jeongin at mahigpit na hinawakan ang braso ko. Natigil ako sa pagpunas ng mata nang tuluyan akong madistract sa presensya niya. "Ssh masisira 'yang make up mo kapag umiyak ka, sige." Pinapatahan ba niya ako o inaasar ang light makeup na suot ko ngayon? Tss.
~
"Sun! Call us kapag nakarating ka na dun ha?" Nakailang paalala na ako sa kaniya pero mukhang binabalewala lang niya dahil natabunan na siya ng lungkot, at the same time, saya.
"I miss you already, p-paano ba 'to?" Kung kabahan siya parang may recitation lang.
"Stop whining, nagugusot ang ticket mo!" Puna ko. Mahigpit ang hawak niya sa kaniyang maleta. Alam kong pinipigilan lang niyang umiyak. Limang taon ko nang kakilala si Sunwoo at ayaw niyang ipaalam na iyakin talaga siya.
"Tama na nga. Hahaha tuloy na ako. I-ingat kayo dito ha? Papasarap na muna ako sa Seoul haha." Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng jacket ni Iyen at pasimpleng nagpunas ng luha.
"Jeongin. Pa-Seoul na ako. Maraming magaganda dun! Haha! Kita kita na lang tayo dun kapag graduate na rin kayo." Nanatili siyang nakangiti pero malungkot pa rin ang mata niya.
"Ingat hyung. Salamat. Kung may problema ka, tawagan mo lang kami."
"No, Jeongin, ako dapat ang nagpapasalamat. Ikaw nang bahala sa babaeng 'yan, bahala ka diyan, topakin pa man din 'yan." Mahinang sabi nito kay Jeongin. Kung mag-usap sila parang hindi nila ako kasama!
Nagmanhug silang dalawa. Nginitian kami ni Sunwoo at kumaway. Hanggang sa talikuran na niya kami hila-hila ang kaniyang maleta ay hindi ko pa rin itinitigil ang kamay ko sa pagkaway. He can't see me waving and crying. Bakit ang bilis ng panahon? Dati lang tinataboy ko pa siya sa pangungulit niya. Isinusumpa ko ang panlilibre niya ng pear juice dahil sawang sawa na ako don, pero bakit namimiss ko ang lasa nito ngayon? Ni hindi ko pa nga naintindihan ang mga pinagtuturo niya sa akin sa mathematics. Sana humarap si Sunwoo at sabihing hindi totoong aalis na siya. Sana tumakbo siya pabalik dahil buo na ang desisyon niyang kasama namin siya sa summer vacation na 'to. Hoy Kim Sunwoo! Iiwan mo na ba talaga kami?
"Sunwoo!!!" Hinayaan ako ni Jeongin tumakbo palapit kay Sunwoo. Wala na akong pakialam kahit halos mabangga ko na ang mga taong nakakasalubong ko.
"Teka!" Hinihingal kong pigil sa kaniya.
Niyakap niya ako. Mahigpit na yakap. Nanlalaking mata niya akong nilingon. "W-why are you crying? Hindi ako mangingibang bansa, Rio."
"Kayo lang ni Jeongin ang tropa ko, pero mamimiss ko ang buong Busan. Maganda sa Seoul pero hindi nun matutumbasan ang saya ko dito sa Busan. Nakilala ko si Iyen, at syempre, ikaw. P-pakisabi kay Daniel hyung, mamimiss ko rin siya haha."
K-kelan ka pa naging madaldal, ha, Sunwoo?
"G-gago ka! Wala pang tatlong oras ang byahe papuntang Seoul, pwedeng pwede tayo magkita-kita anytime, Sun."
"I am already excited sa anytime na 'yon. Siya, bumitaw ka na nga. Baka magalit si Iyen. Tindi mong yumakap." Mahigpit ko siyang niyakap bago tuluyang humiwalay.
"Kim Sunwoo, b-binilin ka sa akin ng mommy mo. Kapag may nangyari sa'yo, tawag ka lang. Pumili ka ng magandang apartment don, mapera ka naman eh." Tumango-tango lang siya. Nauubos lang ang oras sa mga pinagsasabi ko, mukhang hindi niya naiintindihan ang mga paalala ko.
He'll be on the first class seat sa KTX Bullet Train, and kailangan niya na talagang tumuloy dahil tinatawag na ang mga pasahero.
Tumabi sa akin si Jeongin. Nakangiti si Sunwoo nang kumaway papalayo sa amin. "Wag ka nang malungkot. Okay lang siya dun, promise."
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya nang hindi ako umibo. Kilala niya na talaga ako. Eating is my distraction. "Kahit saan. Basta chicken." Tinawanan niya lang ang sagot ko. Syempre hindi ako tatanggi sa pagkain. Lalo pa't ang ibig sabihin nito ay panibagong oras kasama siya.
Kakakain lang namin sa coffee shop pero nagutom talaga ako dahil kay Sunwoo.
"I'll treat you anything you want. Basta ngumiti ka lang."
Mukha bang pasan ko ang daigdig? Tss naalala ko, may problema pa nga pala sa bahay.
"Yen, pwede bang dumaan na lang pala tayong market at sa iyo tayo kumain? W-wala nang mangyayaring iba, promise!"
Pinangunahan ko na siya dahil alam kong mahirap siyang mapapayag. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako kapag naaalala ko 'yon.
"It's fine, so, ipagluto mo na lang ulit si Iyen, hm?" Weird. Bakit ba third person siya magsalita minsan? Lalo tuloy akong nakokonsensya sa nagawa kong kaharutan last night. Ang inosente tingnan ni Iyen para sa akin. Susme.
"I can always cook for you, which also means kailangan mong tiisin ang lasa nito." Inagaw ko sa kaniya ang cell ko. Pasimple akong magsesearch mamaya ng madali at kaya kong lutuin.
Naghihintay kaming bus. Nakaupo kami sa waiting area at tutok na tutok lang sa screen habang nagsesearch.