CHAPTER FIFTY SEVEN
29th of June
"How's my baby? Sakit ulo mo?" Kanina pa niya siguro napapansin na hinahaplos ko ang sintido ko.
Paanong hindi sasakit, nakipagtitigan ako sa test paper ko. Idagdag mo na rin ang exam sa history na hinalukay ko pa sa dulo ng utak ko ang mga lugar, pangalan at petsa.
"Medyo..."
Pagkapasang-pagkapasa ng test papers kanina ay agad kaming lumabas at dumiretsong canteen, kumakain ng hotdog on sticks.
At nalaman kong mas gusto pala niya ang ketchup kesa mustard.
"Let's go home after this, okay? Kailangan mong magpahinga."
"Ayoko muna, Iyen. Kung kelan naman nag-eenjoy ako sa school tsaka mo ako pauuwing maaga. At isa pa, malapit nang magbakasyon, sinusulit ko lang ang pagkain dito 'no."
"Sigurado ka?"
"Oo, kung gusto mo, libutin na lang natin 'tong school pamatay oras."
"Ganun mo ba kamahal 'tong school?"
Mabuti na lang at hindi pa ako nakakainom ng tubig, kundi naibuga ko na 'yon sa kaniya. "Haha nope, it means everywhere's fine as long as i'm with you."
Para siyang timang magtago sa palad niya. Dinaig pa ang babae kung makareact.
Sinimot niya ang tirang coke sa lata. "Let's go to that everywhere then." Inayos ko ang aking inupuan bago sumunod sa kaniya.
"And go home at 8?"
Now Playing:
Daylight by Taylor Swift♪
I don't wanna look at anything else now that I saw you
I don't wanna think of anything else now that I thought of youTumawa siya at humarap sa akin, "Six thirty, ayoko ma-late sa Clè." Tawad niya sa offer ko.
"Uhm, seven pm. Deal's closed."
"Yayariin ka naman ng pinsan mo, sige ka."
"He's not home, sorry ka na lang." Hinablot ko ang kamay niya at hinila paalis.
♪
Luck of the draw only draws the unlucky
And so I became the butt of the joke
I wounded the good and I trusted the wicked
Clearin' the air, I breathed in the smokeNatatandaan ko pa noong panahong pinatay ko ang alarm ko para lang mahuli kinabukasan sa klase. Akala ko hanggang late na lang ang maipaparanas ko sa sarili ko, but look, heaven gave me him. This is too much, what did i do para swertehin ng sobra sa kaniya? Those romantic student things to experience, chilling at cafes, going home together, staying up in the library, eating hotdogs after the tiring test...mga simpleng bagay lang na malaki ang impact para sa akin.
♪
Maybe you ran with the wolves and refused to settle down
Maybe I've stormed out of every single room in this town"We-wait, bakit tayo nandito at... kailangan ba talagang sa fire exit tayo dadaan?"
"Hindi tayo member ng science club para basta nalang manghimasok dito. But trust me."
♪
Threw out our cloaks and our daggers
because it's morning now
It's brighter now, now