Chapter Forty Seven

10 0 0
                                        

CHAPTER FORTY SEVEN

7th of June

Kang Rio is with Yang Jeongin
14 minutes ago • 🌏

╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ GO!

D-5 | Busan Rock Festival

😆❤️👍 46 likes | 11 comments | share

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

😆❤️👍 46 likes | 11 comments | share

...view more comments

Ahn Yujin
Daya di nyo ako sinabay pauwi ╯ε ╰
Kim Dahyun
     May sariling mundo yang dalwang yan

Park Jisung
Ahe ahe

Kim Dahyun
Beh kulang pa tayo ng marble globe string, wag ka muna magsaya😂
Kang Rio
     Ate Da, si Sanha na daw po ang bahala dun
Kim Dahyun
    Abaga?😅

Seo Changbin
@Hwang Hyunjin pre check mo 'to

Seo Changbin
@Han Jisung mas matinik ata ang bunso
kesa sa'tin ah

Hwang Hyunjin
@Yang Jeongin
Seo Changbin
    @Yang Jeongin 😂

"Minention ka na ng mga kaibigan mo oh..."

Hinarap ko kay Jeongin ang phone.

Kakagaling lang namin sa coastline at kasalukuyang nasa bakery shop. Linggo ngayon at sumulpot si Iyen kanina, mabuti na lang nagbabasa ako ng lineup at nagpapahinga nun kaya naabutan niya akong hindi naliligo sa pawis.

"Hayaan mo sila." Tumawa lang siya at inurong sa direksyon ko ang bagong bukas niyang lata ng juice.

Nilapag ko saglit ang phone at kumain na ng matiwasay. Masaya si Ahn Yujin kanina dahil nandun si Iyen, pero mukhang nawawalan siya ng gana kapag ako ang kinakausap ni Iyen. Walang paalam sa akin ang lalaking 'to na pupuntahan niya ako, pero kung ano man ang dahilan kumbakit naisipan niyang pumunta ay masaya ako.

Tinapos ko na ang pagkain at dinampot na ang gamit ko. Lumabas na kaming shop at nagsimula nang maglakad patungong bus stop.

Hindi mahapdi sa balat ang sikat ng araw kahit  tag-init na. Marami ring nagbibisikleta at iilang kabataang nagpapakalive while we're young.

"Pag-uwi natin... hindi ba pwedeng sumama ako sa'yo sa Clè?"

Alas tres pa lang at ayoko pang umuwi sa amin. Alam ko namang hindi siya papayag na isama ako at isa pa, six thirty pa ang shift niya.

"'Di pwede. May gagawin ka pa, diba?"

"Hindi naman mahalaga ang pagrereview, ano ka ba hehe..."

"Tss hindi mo ako madadala sa panguso-nguso mo."

One month and half na lang ang pasok at ibig sabihin ay kailangan ko na talagang magfocus. Magge-grade 12 na ako at lagi akong pinapaalalahanan ng pinsan ko na dapat nasa section A ako at makikipagkompetensya na makapasok sa top 100 students ng buong grade 12.

"Dali na kasi, Iyen. Monday na naman bukas eh..."

"Aish hindi pa rin. Unahin mo muna ang pag-aaral mo."

Kung makapagsalita siya parang hindi ko siya kaklase at parang hindi niya rin kailangang mag-aral ng mabuti psh.

"Ba't naman ikaw hindi nag-aalala sa school..."

Humina ang boses ko nang tumabi at umakbay sa akin. Walang halong kahambugan ang kaniyang pagkakahawak, napakagentle niyang tao pero hindi talaga normal ang epekto niya sa akin!

"Sino bang nagsabing hindi ako nag-aalala? Haha mas kailangan mong ayusin ang pag-aaral dahil may nabuo ka ng image sa school at matataas rin ang grades mo. Huwag mo yun sayangin dahil lang sa akin." Mahinahon niyang sabi.

Nararamdaman ko ang kaniyang paghinga dahil sa sobrang lapit niya. Nabato na ata ako sa kinatatayuan ko, napakakalmado niya habang mas ikinukulong pa ako sa kaniyang braso.

"Understand?" Hindi ako sumagot. Napatigil ako sa paglalakad at naghahanap nang maaaring masandalan pero mukhang malabo dahil nasa tabing kalsada kami.

Napapikit na lang ako nang bumaba ang kamay niya at kinapa ang sa akin. "Jeongin!" Pagpapatigil ko.

Dumilat na lang ako nang pinagsalikop na niya ang kamay ko sa kaniya.

Bakit niya ba 'to ginagawa?

Ako lang ba?

O sadyang bumabagal lang talaga ang oras?

Totoo pala 'yon! Buong buhay ko nakokornihan ako tungkol sa slow motion na 'yon pero eto, nangyayari sa akin ngayon!

Nararanasan ko....

At kinikilig rin naman ako!

Taena!

"Ano bang g-ginagawa mo?"

"Wala. Hahatakin na sana kita, ayan na yung bus oh." Nginuso pa niya ang bus na hindi ko man lang napansin.

"Ah, hehehe." Napatawa na lang ako sa sariling katangahan ko.

Hinigit na niya ako paakyat ng bus. Dalawang beses niyang ini-scan ang kaniyang transit card.

Nang sa wakas ay prente na kaming naka-upo ay kung ano-ano na namang bagay ang bumabara sa utak ko. Mabilis lang ang oras kapag kasama mo ang taong gusto mo, bumabagal kapag napapansin mong sobrang saya mo nga pala talaga at kinikilig ka, kapag malapit nang matapos ay tsaka lang marerealize na sana nilubos-lubos na kahit sobrang bilis lang ng oras. Time and happiness are devastatingly parallel.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon