CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY FIVE
Hwang Hyunjin's
"Grabehan makatitig. Mga bastos!"
"Gago assuming ka. Hindi naman sa iyo nakatingin."
"Alangan sa iyo? Eh ang baduy ng jeans mong humal ka."
"Akala mo naman kinagwapo mo yang butas butas mong longsleeves?"
"Tattered ang tawag dito, Jisung, tattered."
Nagtalo pa sila Changbin at Han. Mga ungas. Sa akin naman talaga nakatingin yung mga mukhang tita.
Binaba ko pa ang polarized shades ko para mas lumakas ang aking dating.
"Mga ser, ano pong sadya niyo?"
Ah oo nga pala. Nakalimutan ko na kumbakit napadpad kaming Busan.
"I'm looking for Soo Ah, Jeon Soo Ah? Andito ba siya?"
Inalis ni manang ang maduming gloves at tumingin ulit sa aming tatlo.
"Ah si Mam po ba? Nasa dakong kaliwa po siya ng burol. Kanina pang tanghali nagbababad sa initan yang si mam."
"Ganun po? Sige, salamat. Saan ba yun banda?"
"Medyo malayo-layo yun mga ser. Gusto niyo po bang ipahatid ko kayo?"
"Sige ho!" Sabat ni Han.
Grabeng kakapalan naman ng mukha yan, Han Jisung.
Hinatid kami ni manang sa hanay ng mga wrangler jeep at sinalubong ng isang matikas na lalaki.
"Sigurado ka bang sasakay tayo, Hwang? Nakakahiya naman." Bulong ni Changbin.
"Oh edi bumaba ka, lakarin mo na lang."
"To naman!"
Tumigil ang wrangler jeep sa mainit at malawak na espasyo. Malaking tulong dahil nagbibigay lilim at preskong hangin rin naman ang mga puno. Marami ring pananim at mga alagang hayop.
"Mukhang excited na excited si Jinnie makita si noona ah?"
"Gago, concern lang ako. Baka kasi miss na miss niya na ako."
"Anlupet mo talaga, Hwang Hyunjin. Ayaw mo pang umamin, huh."
Martes ngayon at sabay-sabay kaming um-absent para mamasyal dito. Malakas kasi ang apog nitong mga kasama ko eh.
"Ayon siya, Hwang!" Si Changbin.
"Si Noona!" Si Han naman.
"Pero sino yung kasama niya?" Si Changbin ulit.
"Putragis! Pwede bang manahimik kayo? Lalapit ako, at tingnan niyo kumpano manginig sa nerbyos yang kasama niya." Pagyayabang ko.
Nakatalikod siya, nakasakay sa kulay itim na kabayo at sa pigura pa lamang ay alam kong si Soo Ah nga siya. Maalon at mahaba ang kaniyang itim na buhok. Ngayon ko lang nakita ng personal ang bagong hairstyle niya.
Ayan na, palapit na ako.
At yung kasama niya... tangina kumukulo na naman lahat ng pwedeng kumulo sa akin. Sa tindig pa lang ay hindi ako maaaring magkamali. Inaalalayan niya pa ang noona ko.
Mabagal na naglalakad ang kabayo at kung titingnan mula rito ay mukhang nagkukwentuhan pa sila.
Ang masasabi ko lang ay ambaduy ng corduroy shorts niya... magulo ang pagkakarolyo ng polo niya. At hmm, hindi kaaya-aya ang mukha.