Chapter One Hundred Fifty Four

6 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY FOUR

The way I said I love you is something I can't bring back again. Wala akong ibang nararamdaman. Naaalala ko ang kaniyang pangalan... pero hindi ang buong pagkatao niya.

I wanna meet him again. And know every little thing about him that made me buried next to him. I shouldn't care about him. Pero base sa mga nabasa ko... naging mahalaga siya sa akin. Kaya hanggang ngayon ay nadadala ko.

Wala akong ideya sa kung anong totoong itsura niya. Tanging ang alam ko lang ay ang paborito niya, ang ugaling meron siya... dahil nabasa ko lang yon lahat.

"Teacher, may customer po tayo." Binuksan ni Lia ang pinto ng studio, may hawak siyang shears sa isang kamay at maduming gloves naman sa kabila.

Anong oras na pero unang beses pa lang itong pangangatok niya para sa magandang balitang yon.

"Yes! Ako nang bahala!" Ngiting-ngiti ako nang iwan ang mesa.

Magpasalamat ang customer na yon dahil ako pa ang mag-aabyad para sa kaniya. Gusto ko kasi na lalabas sila sa studio ko nang may baong magagandang mga bulaklak. Hindi ko ginagawa ito para kumita. Gusto ko lang kasi ilabas ang nararamdaman ko sa pamagitan ng bulaklak eh. Magmula kasi ng manirahan kaming Busan ay tumatak sa isip ko ang kaartehang yon.

"Good morning... m-may maitutulong ba ako?"

Humarap ang lalaki. Bahagyang nanlaki ang mata niya nang makita akong nakatayo na parang timang sa harapan niya.

"Ah! Ikaw pala yan..." Rinig kong sabi niya.

Umarko ang gilid ng labi niya... kapansin pansin ang dimples niya... at lalo pang naningkit ang mga mata.

Ang... ang gwapo ngumiti...

Teka...

Ano daw?

Kilala niya ba ako?!

Bakit niya ako nginitian?

"Kumusta na? Natatandaan mo ba ako?"

Humakbang siya palapit sa akin.

Anong... anong gagawin ko?

Lalayuan ko ba?

Pero... ambango!

At ano to? Bakit siya nakatingin?

N-nakakahiya!

Yung... a-anong ginagawa niya sa kamay ko?

Argh, ibaba mo yan!

Pinuwesto niya sa kaniyang dibdib ang kanang kamay ko.

Ang... ang lapit.

Ang ibig kong sabihin ay... ay parang ang lapit lapit namin sa isa't-isa. Hindi lang literal.

Ang gaan... nakakapagtaka naman. Hindi ko siya kakilala pero pakiramdam ko na kahit anong oras ay kaya kong sumama sa kaniya pauwi.

Ang init... gusto ko pa siyang hawakan.

At ang tahimik ng dibdib niya. Kabaliktaran ng sa akin.

"Ano... sino ka?" Tiningala ko siya.

Napamaang na lang ako nang hindi siya sumagot. Pinanuod ko lang ang pagtaas baba ng kaniyang adam's apple.

"Iyennnn!"

"Hmmm?"

"Nilalamig ako..."

And it flashes in my mind as if I'm in that exact moment.

"I actually want to steal your thrasher hoodies. I am a sucker for your calls and texts. I love it when your hair's messed up. Mahal kita, Iyen...."

W-what?

Muli kong tinitigan ang taong nasa harap ko.
Antaas niya sa akin. Disente magdamit. Hindi rin naman siya nakahoodie gaya ng boses sa alaala ko. Hindi rin messed up kuno ang buhok. Pero ang pamilyar ng kinatatayuan ko... dito... sa harapan niya... malapit sa kaniya... 

"Iyen..." Paanas kong sabi. Pinapakiramdaman kung tama bang banggitin ang pangalang yon.

"Ako nga." Tinapik niya ang noo ko... at dahan-dahang ginulo ang aking buhok.

"Si Iyen." Patuloy niya.

Siya ito..ang lalaki sa alaala ko... nasa aking harapan. Nagpapakilala sa akin. Parang bago. Naulit lang sa simula...

Nakakatuwa naman na nakita ko na ulit siya. Unti-unti nang nababawasan ang ingay at torete sa isip ko. Dahil nasagot na rin sa wakas.

Now that I finally see him, only through papers and memories my love can paint him out.

Nakilala ko na ulit siya sa ikalawang pagkakataon at sapat na yon para tumigil sa pagsulat tungkol sa kaniya...

... dahil hindi ko na dapat ito maramdaman ngayong alam ko nang hanggang papel na lang ang lahat.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon