CHAPTER THIRTY ONE
28th of April
"Tch malungkot ka ba dahil absent na naman si Jeongin?"
Hindi ko naman pinapahalatang malungkot ako.
Sa tagal ko nang kaibigan si Sunwoo alam na niyan ang iniisip ko base sa mga inaakto ko."Oo..."
"Papasok rin 'yun bukas. Tiwala lang."
Akala ko mapipikon na naman siya dahil siya ang kasama ko pero iba iniisip ko.
Dalawang araw nang absent si Jeongin. Kung dati ngang kahit nakikita ko siya, namimiss ko siya, ngayon pa kayang clueless ako kumbakit wala siya.
Alas singko na ng hapon at nasa labas kami ng school para kumain saglit since hanggang gabi na naman ako. Sinabihan na ako ni Sun na hindi niya muna ako masasamahan sa NS at mas pabor naman ako doon.
"Sana nga..." Ininuman ko ang walang bawas niyang chocolate milk drink.
"Sunwoo...pwede bang pahinging number ni Iyen?"
Pumikit ako at naghihintay sa positibo niyang tugon.
Ibigay mo, please.
"Ibibigay ko sa'yo, at pagkatapos? You'll send him messages nonstop? Asa ka." Ampait magsalita nitong lalaking 'to.
"Dali na, Sunwoo. Bilang kaibigan mo, oh!"
"Oh sige, bibigay ko sa'yo pero in one condition."
"What is it?"
Whether I like it or not, mapapasubo talaga ako nito alang-alang kay Iyen.
"Simple lang naman, huwag kang kabahan."
"Sabihin mo na nga, para mapag-isipan ko na."
"... a date."
Date? Sana nga lang kagaya noong simple namin dating paglabas bilang magkaibigan...pero imposible dahil umaasa siya sa akin.
"K-kailan ba?"
"Hm pag-iisipan ko muna."
Tumango na lang ako kahit labag naman talaga sa loob ko. Ano pa ngang magagawa ko, 'di ba?
Biglang nabago ang timpla ng mukha niya. Mas masaya at mas maliwanag na kumpara kanina.
Hindi ko maintindihan, sa daming pagkakaabalahang babae ni Sunwoo bakit ako pa? Alam naman niyang iba ang gusto ko pero ba't nagpupumilit pa siya? I'm not worthy of his attention."Sinave ko na sa contact mo, Yang ang name. Paltan mo na lang kung gusto mo."Inabot niya ang phone ko.
"Salamat. Ambait mo pa rin pala paminsan-minsan, Sun."
"Tss mabait talaga ako. Ewan ko nga kung ba't ayaw mo pa rin sa'kin."
Hindi na ako nakaimik sa tinugon niya.
Lumabas na rin kami ng convenience store, nakapamulsa siya at nakasukbit ang bag.
Hinatid niya ako pabalik ng campus at nagpaalam na rin siya dahil may aasikasuhin pa siya sa studies niya. Hindi pwedeng ako na palaging walang pakialam ang lagi na lang niyang uunahin. Graduating si Sunwoo kaya mas dapat niyang intindihin at imaintain niya ang matataas niyang marka.
Konektado ang NS building sa library ng school para mas mapadali ang pabalik balik ng mga estudyanteng namamalagi dito--mga top students. Kahit ayaw ko, makikiupo na naman ako sa grupo nila Beomgyu, Yujin, Junkyu at Yeonhee. Madalas ko naman silang nakakasama pero wala akong itinuturing na kaibigan. Ni ha ni ho wala. Kung hindi nga lang dahil sa yaja hindi ko sila kakausapin.