CHAPTER ONE HUNDRED EIGHT
15th of September
"Sun...please, help me. T-tulungan mo akong makalabas dito."
Ginawa na niya ang lahat ng makakaya niyang pagpigil sa paghiklas ng malaya niyang buhok.
Hindi niya inaalis ang smartphone sa tenga, at nagbabaka sakaling mapapayag ang nasa kabilang linya."I can't do that. Ako ang mayayari ng kuya mo!"
"Please, Sun...p-puntahan mo na ako dito, pagkatapos, pwede mo na ulit akong iwan...titingnan ko lang siya."
Hindi siya magkaundagaga kakaisip sa nobyo niya. Nasa Seoul ngayon ang binata at nakikipagkita sa kaniya. Kung siya lang ang masusunod ay kanina pa niya ito napuntahan ngunit muli siyang ikinulong ng kaniyang kapatid gaya na lang noong mga panahong sumusuway siya sa kanila. Tiyak na lalo lang mag-aapoy ang kapatid niya kung sakaling malamang makikipagkita siya sa lalaking yun. For her older brother, being with him is a trouble. Ayaw na niyang mapahamak pa ang nakababatang kapatid na may kaalamang ang nobyo ang puno't dulo ng dahilan nito.
Kakailanganin pa niya ang tulong ni Sunwoo para masilayan ang lalaki ngunit nabigo siya.
"Rio, gabi na at delikado! Palagpasin mo na muna --shit!"
"..."
Nanggagalaiti niyang itinapon ang smartphone.
Humarap muna siya sa malaking salamin at nagsuot ng ngiti. Sinigurado niyang maganda ang kaniyang mukha at kinalimutan na ang tungkol sa pagbabawal ng kaniyang magulang.
H-he's waiting for me. Tamang-tama, gusto ko na kasi talaga siyang makita!
Walang takot siyang sumampa sa pasimano ng veranda. Hinahampas siya ng malamig na ihip ng hangin sa bawat delikadong galaw niyang ginagawa.
She doesn't mind falling from this height. Dalawang palapag lang naman, kayang-kaya niya. Malaki ang tiwala niya sa sarili. Alam niyang sisiw lang ito.
Who needs their permission anyway? Kainin nila ang pagbabawal nila tsk!
Isang malaking ngiti muna bago tuluyang magpatianod sa walang bahid na pagsisisi niyang mukha.
It was ecstatic when she landed on her bum. Napangiwi siya sa kaonting pangingirot at agad rin namang tumayo. She felt a big time satisfaction nang magpakalayo-layo sa kaniyang hawla.
~
Hindi ako mapakali kakalingon. Mahirap siyang hanapin dahil unang una ay madilim na, ikalawa ay wala akong dalang phone para makontak siya.
Busy people, busy lives, busy street. Lahat ng nakikita kong dumaraan ay walang ideyang may tatagpuin ako sa gitna ng malaking bayan na ito. Hindi nila alam na may Jeongin sa buhay ko. That idea is ironic. They don't care about me but i wanna tell the whole world how euphoric this night is. This felt like i have been freed from a wanderlust.
Patuloy lang ako sa panunuod ng mga dumaraan, hinahanap ang pigurang kanina pa gusto mahagip ng aking paningin. Mula pagtakas at hanggang dito ba naman ay wala akong pahinga. Kumikirot na ang aking binti at sunod-sunod na rin ang nagagawa kong paghabol sa hininga.
"Iyen..."
Pansamantala akong sumuko at naupo sa gilid ng isang maliit na building.
A-asan na ba kasi siya?!
Halos wala na lang sa akin kung dumugo man ang dulo ng daliri kakakagat. Hindi ako mapalagay.
Nandito lang siya.