Chapter One Hundred Forty Seven

6 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED FORTY SEVEN

Lee Minho's

Maraming customers ang papasok-pasok sa loob ng shop. Nakakalibang mula sa kantang lumalabas mula sa speaker, pati na rin sa tahimik na ingay ng mga tao, pero wala akong ibang naiintidihan.

My mind is owned by someone. She's there doing nothing, while here I am, taking back my sanity. Pero mukhang wala akong laban kung siya ang pag-uusapan.

"Good evening, miss..." Tumunog ang bell nang bumukas ang pinto. Ito na siguro ang panghuling customer bago matapos ang shift ko. Mabuti naman sa wakas!

"It's me..." Sa boses pa lamang niya ay napaangat na ako ng tingin.

~

It will get easier. Lalo na kung sisirain ko ang katahimikan. Inaasahan kong makakauwi na ako at makakapagpahinga pero imbis dumiretso pauwi ay napadpad kami sa Hongik Children's Park.

Walang katao-tao dahil medyo madilim na rin. Sa kabilang kalye pa naliligaw ang iilang napapadaan dahil sa nakahanay doong street vendors.

Nakakapagtaka naman. Ilang araw rin kasi kaming nawalan ng koneksyon dahil may kaniya-kaniya kaming pinagkakaabalahan. Ano naman ang naisipan niya't kinita na naman ako? Lagi na lang siya ang nag-aadjust para sa akin, ano bang tingin niya sa akin? Tsk.

Tumutulong siya sa pag-aasikaso ng cooking school ng kaniyang magulang kaya ayaw kong pangunahan at kulitin siya kung ano na bang lagay ng relasyon namin. Kung may patutunguhan nga ba o ano... hinahayaan ko na lang.

"May problema ba tayo, Minho?"

"Haha bakit mo naman natanong?" Umiwas ako ng tingin.

"Come on, Lee Minho. Let's be honest. May sasabihin rin ako."

Ngumiti siya ng maliit nang tumigil kami sa tapat ng isang merry go round.

Masyado siyang lugmok sa trabaho at nawawalan na agad ako ng pag-asa sa kaniya. She told me many times that she likes me. At sa tingin ko ay hanggang doon na lang yon. Ilang beses ko na rin binalaan ang sarili noon na huwag siyang madaliin pumasok sa isang relasyon. Nari has no weak spot for romantic love and maybe it's hard for her to commit to someone like me.

"Pasensya na... napaaga siguro ang punta ko kung hindi na ako nag-aksaya pa ng oras."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ahm umuwi kasi ang mama galing Daegu. Kaya ayon, nagkaron ng maliit na salo-salo..."

"Biglaan nga ang uwi ni mama eh. Sana nga hindi na lang siya umuwi."

What's with the frown, baby?

Andali masala ng inis sa mukha niya ngayon kumpara sa pangkaraniwan niyang pagkabusangot. This one is different... and gloomy.

Ano naman kayang nangyari?

"Minho..."

"Yes?"

"Aalis ako."

"Ganon? Hahatid na kita. Madilim na oh."

Tumawa lang siya. Maliit na tawa. At walang kasaya-saya.

"Hindi. Hindi ngayon. Sa susunod na mga araw pa."

"... at matagal pa bago ulit ako makabalik."

Ano?

Ano bang sinasabi niya?

Sa ilang sandali na yon ay pakiramdam ko tinakasan ako ng sariling isip at bibig.

Bumaba ang tingin ko sa pag-abot ng kaniyang kamay sa akin at pinagsalikop pa iyon.

Ang... ang lambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan. Ang init rin nito na para bang dumaragdag pa sa pagpaso sa aking nanlalamig na balat.

Ano ka na, Minho? Hindi ka na nakaibo jan! Hinawakan ka lang ng babae para ka nang timang! Ansagwa aish!

"Sabi ni mama at papa, mas mabuti pa raw na sa Pransya ko na lang ipagpatuloy ang pag-aaral... t-tumanggi ako, pero... p-pero alam mo naman na walang mangyayari kahit na umayaw ako, diba?"

Ilang taon na kaming magkapitbahay sa Seukdong, at sa tuwing umuuwi ang magulang niya ay tumatahimik ang kanilang bahay. Makikita ko na lang ang nakasarado niyang bintana at kurtina at tanging ilaw lamang mula sa kaniyang kwarto ang matingkad. Maski si Seungmin ay kina Yongbok rin nakikitulog.

"..." Bahagya kong inangat ang kaniyang baba at pinunasan ang kaniyang mga takas na luha.

Wala ni isang salita ang lumilitaw sa utak ko. Ni hindi ko alam ang dapat kong reaksyon. But I am full well sure that no one is happy. Wala akong magagawa. Dahil ang kaya ko lamang gawin ay panuorin siyang nalulungkot at memoryahin ang hinahatid ng kaniyang bawat hikbi.

"I walked out of home to see you. Cause I am so aware of how much I wanna run to you." Malambing niyang sabi at sumiksik sa aking dibdib. Sinagot niya rin ang yakap ko, ginantihan niya yon ng mas mahigpit.

"Ngayong iiwan kita dito, mas nagiging malinaw lang sa akin kung gaano kita kagusto... gusto na kita, Minho!"

Putcha.

"Mahal mo rin naman ako, diba?" Sumagot ako gamit ang paghalik sa ibaba ng kaniyang labi. Segundo ang lumipas hanggang sa dahan-dahan itong gumalaw sa labi niya.

"S-sabihin mo lang at kaya kong sumuway sa magulang ko... hindi na kita iiwan dito!" Nililibot ng kaniyang paningin ang buong mukha ko.

"No, Nari... wag mong gawin yon para lang sakin, mm?"

"Pero! Pero ayokong hanap-hanapin ka. At ayokong hanggang miss lang ang makakapitan ko..."

Sinimulan ko ang pagtapak sa ground at balanseng inikot ang merry go round. Hanggang sa unti-unti itong umandar, kasabay nun ang paghawak niya sa braso ko... nakapikit siya at nakasandal sa aking balikat. Nagpapahinga siya, nagpapadala sa nakakahilong ikot ng pambatang sasakyan.

When you open your eyes, I hope it'll still be me... Just let me sit here beside you and watch how I can see my dreams in you. They're beautiful, Nari... Katulad mo.

This makes me feel like there is nothing left for me to do. Ngayong napag-usapan na natin to, maghihintay na lang siguro ako. Babalik ka rin naman sa tamang panahon, yung panahon na madalang pag-usapan ng barkada dahil nakakatakot. Hihintayin kita. At gagawa ako ng paraan para magkita ulit tayo.

Kung sakali mang mapagod ka sa paghihintay... itigil mo na, hmm? Huwag kang matakot iwanan ako.

"Let's try anything, habang maaga pa!" Nakangiti siya nang higitin ang kamay ko.

If that's what can make us free and in love, why don't we?

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon