CHAPTER FOUR
03.23
Hi.
Antagal na panahon na rin pala mula no'ng tumigil ako sa pagkukwento sa'yo ng buhay ko. Hahaha, nakakamiss pala. Kaya humanda ka ngayong magsawa sa sunod-sunod kong pagsusulat, okay ba?
May ishe-share ako sa'yo, pero promise me na hindi mo ako tatawanan ha?
Ano kasi...kilala mo ba 'yung kaibigan ni Sunwoo?Si Yang Jeongin. Dati kasi hindi naman kami masyadong close, pero nitong nga nakaraang araw ewan ko ba pero pakiramdam at sa tingin ko naman masarap naman siyang kausap at kasama. 'Yung tipong komportable ako kapag nakaka-usap ko siya, pero dumadating ang oras na bigla na lang akong kinakabahan kapag may sinasabi o 'di kaya'y lalapit siya ng as in sobrang lapit.Nga pala, absent ngayon si Jeongin. Hindi ko alam kumbakit, tinanong ko si Sunwoo pero hindi rin daw niya alam. Sana naman pumasok na siya bukas para sabay kaming maglunch, nagluto pa man din ako ng pambaon ko kanina para maipagmalaki sa kanila ang lasa't sarap tapos absent naman siya! Si Sunwoo lang tuloy ang nakatikim.Hays.
'Yon lang muna. Bukas ulit.
P. S. Nakuha ko pa 'tong diary na 'to sa kaila-ilaliman ng vanity kong nakatago pa sa pinakamadilim na bahagi ng kwarto ko.
Love,
Rio K.