Chapter One Hundred Forty Two

4 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED FORTY TWO

"I'm sorry talaga, ate ha? Magpapaliwanag ako sa kuya ko..."

"It's fine, that's fine. Ayos lang yon."

"Pero dinamay ko pa kayo..."

Nagalit ang kuya Daesung sa mga kaibigan ko. I tried explaining to him na wala silang kasalanan at ako ang may kagustuhang sumama sa Busan pero ako pa ang kinampihan niya.

I made trouble, again! At ngayong nasa Seoul na kami ay kinontak ko si Ate Nari para humingi ng tawad. Hindi ko na alam pa ang sasabihin sa kaniya dahil sa sobrang kahihiyan!

"Asan kayo ate? Parang ang ingay jan?"

"Nasa Seukdong kami nila ate Soo Ah mo."

"Nanjan sila? Sama ako ate!"

"Ih? Mapapakulong na kami ng kuya mo pag nagkataon. Sa susunod, okay?"

"Hehe alam ko naman. I was just kidding."

They were so kind and even gave me the chance to see Jeongin. Sapat na ang makasariling ginawa ko nung nakaraan. Ayaw ko nang ulitin pa at baka maagrabyado na naman sila ano!

"Pauwi na rin sila Soo Ah sa apartment ni Hwang. Ayaw niya daw kasing pagurin ang noona niya."

Nang matapos ang usapan namin ay pinatay ko na ang tawag.

I'm back here again being lifeless.

Alas tres ng hapon nang pumasok si Nurse Mina sa aking kwarto at pinaltan ang bandage sa aking kanang braso. Nang sunduin kasi ako ni kuya Daesung mula Busan ay nakatamo na naman ako ng maliliit na mga sugat at pasa, kagagawan rin ng sarili kong kamay.

Tinanggap ko ang tray na may baso at gamot sa mesa, "Nurse Mina, bibisita ba dito ang kuya ko?"

"Ang pinsan mo lang. Pero binilinan kami ni sir Daesung na triplehin ang seguridad mo dito."

"Hindi na mauulit yon, promise."

"Okay lang yon, hindi naman na bago yon... uhm, gusto mo bang ipasyal kita sa garden?"

"Kay Kuya Daniel na lang mamaya. Salamat na lang."

~

"Kuya, asan na nga pala si Jihyo? Okay na ba kayo?"

"Bakit mo naman biglang naisipang itanong yan?
Matagal na siyang umalis ng bansa. Nasa Hanoi ang ate Jihyo mo."

Nakatigil ang wheelchair sa tagong parte ng garden. Walang katao-tao kaya't malaya kaming nakakapag-usap.

Magaganda ang pananim at ang hanay ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak rito. Marami ring dumadayong mga bubuyog at paru-paro sa hardin.

"Babalikan ka ba niya, kuya? Mahal ka pa rin ba niya?"

"I hope so. Teka nga, bakit ba iniisip mo pa ang tungkol dun?" Nakakunot-noo niyang tanong.

"Magpinsan nga talaga tayo, kuya." Tumawa ako ng mapakla.

"... Asan si Kuya Daesung? Kelan ko ba siya makakausap?"

"What about your brother? Andito naman ako, may kailangan ka ba?"

Nag-aalinlangan akong tumango, "About the therapy sana."

"... if i take the therapy, then I will be fine, everything will be better... You think kailangan ko nang tanggapin yun, kuya Daniel?"

"And that means, you'll forget about him. All about him."

I know. And that already kills me.

"Hindi ko naman maaalala na may Jeongin pala sa buhay ko, hindi ba?"

It's hard even by saying his name.

Wherever I go, whoever I am... I love him. In the ruined and in the right mind, it will always be him! He made me so happy that I just want to forget him.

"I mean, that's stupid. Ayokong magkaganito dahil lang sa lalaki. Hindi pwedeng masayang ang buhay ko sa pakikipaglaban sa sarili kong utak."

No, gusto kong magkaganito para kay Jeongin. I can take all the pain.

But let's rest for now.

"That's brave, Rio. Sigurado ka bang sinasabi mo yan?"

"Oo? Pati ba ikaw nalilito na sa katotohanan at kabaliwan ko?"

"Hindi sa ganon. Wala sa isipan kong papayag ka sa offer."

"Well, I accepted the truth. Tanggapin niyo na ring gagastusan niyo na naman ako." Tinawanan ko lang siya.

"Promise, babawi ako! Babayaran ko kayo kapag nagkatrabaho na ako."

"Matagal ka pang mag-aaral, wag ka!"

"Kaya nga ipagamot niyo na ako para makapag-aral na ulit ako!"

I missed this kind of talk with him.

"I'm asking you for the last time, sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo? If i tell this sa kuya mo, wala nang atrasan to, Rio."

Wait... ano nga ba?

Sigurado na nga ba ako?

For me, for him, for kuya, for Daniel, for all of us. Kapag gumaling na ako, wala ng magiging pabigat. That's it, pabigat ako at kailangan ko nang gawin to.

This is a fucking pressure and a sacrifice.

"Earlier the better."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon