CHAPTER SIXTY TWO
07.18
Hi.
Ilang araw na mula nang matapos ang klase. It's cool. My ass stuck on the bed, writing, reading, phone calls, bumababa lang ako kapag kakain o kung may iba pa akong gagawin. Nakakawalang gana lalo sa bahay dahil gabing gabi na umuuwi ang pinsan ko. Oo masungit siya minsan, pero mukhang mas lumala pa. Ang init ng ulo. Tatanungin ko lang, nakasigaw agad. Madalas siyang may katawagan, 'yong girlfriend niya ata. Kanina narinig ko siya, sweet talking her girlfriend on the phone, "mahal na mahal kita, tandaan mo 'yan.", "walang iwanan", "kahit anong mangyari, sakin ka lang.", mga ganong linyahan ng breezy. Nakokornihan ako, at the same time, bigla akong nakaramdam ng curiousity. He's been acting strange lately. Everytime na kakausapin ko siya, pinapaakyat niya lang akong kwarto ko. He has a problem, i know...nag-aalala ako para sa kaniya. Atleast I wanna make him feel na pwede ko siyang tulungan sa pinakamadali at pinakamaliit na paraan kung ano mang problema ang meron siya.
Love,
Rio K.