CHAPTER THIRTY EIGHT
05.09
hi rio-reubeun
jeongIN segment
Sa tingin ko kailangan ko na talagang isulat 'to dahil kanina pa ako nakatingin sa kawalan at paikot-ikot lang 'to sa isip ko. Mababaliw na ata ako sa kakaisip at sa kilig.
•his sweet smiles
No one can argue with it. Nakakabuhay ang ngiti ng lalaking 'yon. Kapag nakikita ko siyang nakangiti, sumasaya rin ako.
•he's gentle and...sweet
Anlambing niya, ba't ganun? Bawat hawak niya sa akin, pakiramdam ko ligtas ako. Bawat salita niya, maniniwala ako. Kapag kasama ko siya, masaya ako kahit kinakabahan ako sa kaniya.
•his hair
Kapag sa school frizzy ang buhok at parang hindi sinusuklay, pero kapag sa bahay niya lang tuwid at walang kadamage damage.
•his hands
Wala lang...i just have this feeling na gustong-gusto ko hawakan ang kamay niya. Gusto ko maranasan laruin ang mahabang daliri niya_(._.)_
•his presence
Masaya ako kapag nandiyan siya at nakikita ko ang bawat galaw niya. Sa school nga pasimple pa akong tumititig sa kaniya eh.
•his scent
Ayoko magmukhang manyak pero heto na, hindi na ako tatanggi. Gusto ko 'yung amoy niya.╭(╯ε╰)╮Hindi naman masyadong matapang at panlalaki 'yung amoy pero...alam niyo ba 'yung amoy binata? Normal na amoy ng isang lalaki pero special eh. Kung amoy pawis, edi amoy pawis. Nakaka-adik 'yung amoy. Ganun.
•his gaze
Bastos 'yan si Jeongin. Alam ba niyang nahihiya ako kapag nakatingin---nakatitig siya?Nakakapanghina 'yung tingin niya tas ang ganda pa nung mata niya. Hays. Ano kayang iniisip niya kapag nakatingin siya sa'kin?
Nakakaconscious ( ̄ε(# ̄)︴•he's kind
Hindi ko alam kung mabait ba talaga siya o gusto ko lang siya kaya pinupuri ko siya. Maalin sa dalawa ay tama.
•he's weird
There are times na kapag tinitingnan ko siya parang galit sa mundo. Tas minsan sobrang lawak ng ngiti. Pero kadalasan talaga pangiti-ngiti tas biglang seryoso. Nakaka...argh!
Hmp, teka muna...masisira na ata ang pinto ko sa kakasipa ni Daniel.
@( ̄- ̄)@
"Sandale nga munaaaaa!"