CHAPTER SEVENTEEN
04.09
Hi hehe.
Na-late ako dahil binasa ko kagabi ang Nine Rules To Break When Romancing A Rake...at alam mo, hindi pa ako nakakalimang page bigla akong may nafeel at na-miss ko si Iyen. Alam niyo ba 'yong ganung feeling? Ang weird. 'Yung bigla ka na lang makakarelate sa binabasa o pinapanuod mo, then may isang tao ang papasok sa isip mo.
At DAHIL na-miss ko nga si Iyen, hinanap ko account niya at ayon sinimulan ko na ang energizer ko.
Sa ngayon kahit medyo close kami, hanggang picture na lang muna ako kikiligin.
P.S. Pero sino nga kaya si ateng love letter? Sure ako kaklase ko lang 'yon. Malalaman at malalaman ko rin kung sino s'ya. Eepal pa siya sa'min ni Jeongin ha...subukan niya ako. Hehe joke lang.
Love,
Rio K.
