CHAPTER FORTY TWO
05.20
Hi.
Two weeks na lang at summer na, which simply means malapit na rin ang music festival. Isa ang Busan Rock Festival sa hinihintay kong event. Hindi naman talaga ako nakakasama at nakakapunta sa kasayahang 'yun pero kapag nalalapit na 'yung event na 'yon, naeexcite rin ako.
Sponsored ng school namin ang magaganap na event. Sa Busan Stadium gaganapin ang first day lineup. Sa second day naman ang mas masaya dahil sa beach dadagsain ang mga International Rock Band, last year may camp at bonfire na naganap, at siguradong mas madaming pakulo ngayon dahil magpapalakas sa Tourism Festival Organizing Committee ang head teacher namin. Ang Busan Rock Festival ay way na rin sa pagpopromote at pagrerepresent ng Eastern Bay.
May nabanggit nga si Yujin sa akin na tutulong raw ang Student Council sa pag-oorganize ng event na 'to eh.Excited na tuloy ako. Music, summer and fun...i don't wanna miss it kaya gagawa ako ng paraan para maranasan ko 'yon ngayong taon. For sure maraming estudyanteng taga-Eastern Bay ang pupunta dun.
♪v(⌒o⌒)v♪
Love,
Rio K.