Chapter One Hundred

8 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED

10th of September

Ilang araw na ang nakalipas. Kumpleto na rin  kami sa wakas. Maayos na rin ang kondisyon ng pinsan ko. His case has been closed. And everything is going back to normal.

Kung may nagbago man, sa tingin ko ay ako. I caused trouble and was reported dahil sa panghihimasok at panggugulo sa isang bar last time, namalayan ko na lang ang kapatid kong umuusok sa galit nang puntahan niya ako sa police station. I was left with cuts and wounds, sabi ni kuya nakuha ko iyon dahil sa mga babae sa bar. I let them hurt me physically. Hinihintay ko na lang na humilom ito. And i honestly had no idea kumbakit napadpad ako sa ganung lugar.  Wala akong binanggit tungkol rito sa boyfriend ko dahil ayaw kong pag-isipan niya ako ng masama.

Mula nang gabing may nangyari sa amin ay dumadalang ang usapan namin. Maybe dahil sobra-sobrang tampo ang naramdaman ko sa 'bago' niyang kaibigan. I mean, sino ba namang hindi makakaramdam ng selos? Unang beses na may nangyari sa amin at kinabukasan nakipag-usap na sa ibang babae! Nakakaimbyerna kaya! Alam naman niyang selosa ako tapos ganun?!

"Rio! Hintay!"

Bagsak balikat kong nilingon si Onda na nagmamadaling lumapit sa akin. Siya lang ang naglakas loob na makipagkaibigan sa akin sa classroom. Tinakasan ko siya dahil gusto niyang sumabay sa akin pauwi.

Makulit at masayahin si Onda, samantalang mainitin ang ulo ko. Kung magkataong maging magkaibigan kami, kawawa lang siya sa akin.

"May pinagchichismisan sila sa gate. Gwapo raw at college fafa hihi! Tara tingnan natin?!"

"Gwapo?"

"Oo! Gwapong cute daw, narinig ko kila Mia! Ano game ka?"

"Pfft i mean yuck. Kung sino man yan malamang talampakan lang siya ni ---"

Hindi na ako naniniwalang may mas gugwapo pa kay Iyen. Hindi ako interesado! Nakakatawa kaya sila! Nagkakagulo sa gate palibhasa wala silang malandi sa school kaya ayan...nababano sa lalaki.

"Grabe ka girl! Hindi mo pa naman nakikita, malay mo maging type mo!" Nagsisiniksik pa siya sa braso ko. Pasalamat ka babae ka, kundi kanina pa kita natulak.

"Ayaw. Hindi ako interesado."

"Ehh? Kung ayaw mo, samahan mo na lang ako! Sisilip lang tayo, promise!"

Bago pa ako makatanggi ay kinaladkad na niya ako.

Panibagong late kay Teacher Hwasa...yari na naman ako nito!

"Ayon siya oh! Diba ang gwapo?! Kanina pa raw yan may hinihintay jan eh! Sino kaya? Ooh! Answerte naman!" Walang prenong paghehisterikal ni Onda.

"Pwede ba manahimik ka muna? Asan ba?"

Natatakpan kasi ng mga babaeng nagkumpulan.

Center of attraction. Papansin lang? Napakairesponsable naman ng lalaking yun para gumawa ng scen---

"Onda..."

No...hindi siya yun...bakit naman siya biglang lilitaw dito?

"Yes~ ang pogi diba?"

Si Sunwoo nga! Anong ginagawa niya dito?!

Kaibigan ko ba talaga to? In fairness, nakakahiya siya!

"Anong pogi jan? Tara na nga!" Hinablot ko ang braso niya para kaladkarin siya paalis.

Tss...saan tayo dadaan nito? Sa backgate? Ang layo naman...

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon