CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY EIGHT
Hwang Hyunjin's
"Pakikutos nga sakin, hyung!" Kanina ko pa hinihiling to kay kuya Chris kaso tinatawanan lang ako.
Si Han naman ay pinitik ako sa tenga.
"Isa pa! Laksan mo!"
"Um! Totoo to gago!"
Si Changbin nama'y hinataw ang leeg ko kaya nasamid ako.
"Bakit ba hindi ka makapaniwala, Hwang? Nagtataka ka pa eh nakarami ka naman na talaga sa girlfriend mong gago ka." Pagalit ni kuya Chris.
Oo, nandito ako sa bar ni kuya Chris. Nagpapakita lang naman ako sa kanila kapag may problema ako. Pati naisip ko lang na baka miss na miss na ako ni kuya Chris kaya dinalaw ko.
"Anong plano mo?"
"Ha? Edi..."
"Ano? Yan tayo eh!" Sabat nitong si Han Jisung.
Yawa.
Hindi lang talaga ako makapaniwala na magiging ama na ako. Ang ganda pa ng timing ni Soo Ah nang sinabi niya iyon sa akin through message.
Kanina ko lang nalaman nung nasa banyo ako habang naglalabas ng sama ng loob.
At ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko! I love her! I love her so damn much and I wanna see her how is she right now! Pinapangunahan na naman ako ng samu't saring emosyon. Pangamba. Kaba. Atat. Pagmamahal!
"Pero hyung, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin? Aish!"
I'm still a student. Dalawang taon pa bago ako makaalis sa hukinginang eskwelahan na yon at hindi na talaga ako makapaghintay pa!
Ano nga lang ba ang mararating kumbabalik ako sa part time jobs?
Tsk!
Napakabobo mo talaga, Hyunjin!
Graduate na si noona at napag-iiwanan niya na ako. May matino na siyang hanapbuhay sa Busan. Nahihiya na talaga ako sa sarili ko!
"Mahirap yang pinasukan mo, Hwang. Namo, siyam na buwan niyang dadalhin ang bata. Sapat na yon para matapos ang sopho year mo."
"Hatiin mo ang oras sa pagtatrabaho at pag-aaral. Kumilos-kilos ka na habang maaga pa."
Kanina ko pa nginangata ang ice cubes na nasa gilid ko dahil sa sobrang lutang. Halos mangimi na rin ang buong bunganga ko sa bawat nakakangilong tunog na nagagawa.
Kami lang ni kuya Chris ang nasa mesa. Si Han at Changbin nama'y lumipat na sa kabilang mesa at nagchechess.
"Alam na ba ng magulang ni Soo Ah? Terror pa naman yung dalawang yon!" Nag-apir pa ang dalawang kumag.
"Lampake. Kukunin ko na rin ang anak nila at wala silang magagawa don."
"Triplehin mo lang ang bayag mong loko ka. Baka maya, mang-indian ka."
"So paano yun, hyung? Argh! Magiging tatay na ba talaga ako?!" Pinagsasabunutan ko na naman ang aking gulong-gulong buhok.
"Aba'y ayaw mo ba?" Patawa-tawang tanong nito.
"Magbo-volunteer daw yung MK!" Tinitigan ko lang ng masama si Changbin at hinagisan ng yuping lata.
"Tangna! Hindi ko sinasabing ayaw ko! It's just that... sobrang saya ko! Na kinakabahan! Na excited!"
"Basta best man ako ha?" Tumaas pa ng kamay si Jisung.
"Huwag kang papayag na makuha lahat ng bride's maids at groom's men sa angkan ni Soo Ah, hah!" Dugtong pa ni Changbin.
"Si Kuya Woojin kukuhanin kong ninong. Lamuna!" Humalakhak pa ako at sumandal sa couch.
Takte. Kasalan agad iniisip ko, ni bahay wala pa nga kami!
Nang medyo humupa ang ingay ay umakyat ako sa kwarto ni kuya Chris sa third floor. Hinayaan niya muna ako makapag-isip-isip ng tama dahil mukhang iniiwasan ako ng katinuan ngayon.
I need peace right now.
There's no need for thinking twice about her, dahil kukunin ko si Soo Ah at pananagutan ko siya. I need plans to save her life... to give her the best she deserves.
I'll take care of her.
I'll tell her that everything's gonna be alright.
I'll build our dreams one by one until we ask for more.
We'll name the baby after my grandfather's.
I'll let her design the wedding gown.
Gusto ko na makita sa kaniya na suot-suot yon.
I can't wait to live my life with her. Sa iisang bubong, sa pagkaing kakainin sa pang-araw-araw, at sa parehas na hanging lalanghapin.
But for now, stay with me, noona. Hang on, and we'll get through this. I'll love you more. Hindi ka magsisisi dahil ako, si Hwang Hyunjin, ay ang pinakagwapo at pinakamagaling na asawa sa buong Seoul!
