CHAPTER THIRTY FIVE
I shouldn't be this happy ngayong may sakit pa ang taong dahilan ng kasiyahan ko.
But i can't help it. Nalaman ko ang pakiramdam na mayakap ng isang Yang Jeongin. Literal siyang mainit dahil sa lagnat pero iba pa rin ang feeling sa loob ng yakap niya dahil nagawa niyang iparating sa akin ang safety ng yakap niya."It's already eight pm. Gusto mo bang tawagan ko si Sunwoo para sunduin ka niya?"
Kakatapos ko lang siya painumin ng gamot at kakatapos ko lang rin magsabing hindi ako uuwi at dito lang ako.
"I told you, i'll be staying here. Hindi ako uuwi!" Mariing sabi ko.
"Hindi pwede, Rio. May pasok bukas at isa pa, babae ka."
"Ano ngayon? Babantayan lang kita, wala akong ibang gagawin sa iyo."
"Wala ka ngang gagawin sa'kin, pero malay mo ako ang may gagawin sa'yo."
A-ano bang sinasabi niya? Ang dumi rin pala ng utak nito. Malamang Rio, lalaki 'yan at normal na ganiyan ang takbo ng isip niya.
"Idiot. Tingnan lang natin kung makagulapay ka sa kondisyon mo."
"Joke lang 'yon. Ba't ba kasi nagpupumilit ka?"
Nagtalakbong siya ng kumot.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Nilapitan ko siya at ibinababa ang kumot para mahipo siya.
"Okay naman. Kaya ipapasundo na kita kay Sunwoo at hindi mo na kailangan pang mag-alala."
"No. Alam ni Sunwoo na pinuntahan kita rito and maybe by now nag-eexplain na siya sa pinsan ko."
"Umuwi ka na, papagalitan ka lang ng pinsan mo."
"Ayoko nga sabi."
Hindi ako uuwi nang ganito pa ang lagay niya. Hindi rin naman ako matatahimik sa bahay at iisipin ko rin siya doon.
Imbis tuloy na ako ang mag-alaga sa kaniya, ako pa itong nagiging pasaway.
I know he's hinting. Iniisip niya na sigurong may gusto ako sa kaniya dahil bigla akong nagkaroong ng pakialam sa kaniya at isa pa, mapilit ako para lang maalagaan siya. Sino bang simpleng kaibigan lang ang makikitulog sa bahay ng may sakit niyang kaibigan? That's quite rare.
"Just let me stay here tonight...and pahiram na rin ng damit."
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Naka-uniform pa rin ako.
Sumenyas na lang siya sa kaniyang closet. Mukhang payag na siya, napagod na sigurong makipagtalo sa akin.
Nakigamit na rin ako ng banyo niya. He has spare toothbrush sa banyo at hinayaan niya akong gamitin ko na 'yon.
Kung nakikita ko lang siguro ang mukha ko ngayon ay malamang sobrang pula ko na.
T-totoo bang susuotin ko ang shirt at track pants niya? Gosh! Ambango-bango!
Ansaya ko ngayon, kinabukasan malay ko na lang. Paniguradong tatadtarin ako ng katanungan ni Sunwoo at syempre ng aking pinsan. Ayaw ko na muna isipin ang tungkol ron dahil eenjoy-in ko itong gabing 'to.
Lumabas na ako ng banyo nang nakamessy bun ang buhok.
Naabutan ko naman siyang nakahiga na sa nakalatag na mattress at balot na balot ng kumot .
"Ya! Sa kama ka, ako na diyan."
Padabog akong lumapit sa kaniya. Hindi niya pinansin ang presensya ko at nagtalakbong pa ng kumot.