Chapter Seventy Two

13 0 0
                                    

CHAPTER SEVENTY TWO

"Kuya...do you want me to talk to Jihyo? P-papakiusapan ko siyang balikan ka niya. I-i don't like seeing you like this." Nanghihinang sabi ko.

He's on his bed the whole day. Ako ang naninilbihan habang hindi pa niya kaya alagaan ang sarili niya. He can talk, pero mukhang nagbibingi-bingihan siya sa mga lumalabas sa aking bibig. His breathing ain't normal. Pansin ko rin ang mariin niyang pagpikit. I wanna know how does it feel--or can he even feel? Does he feel high?

"Help me get up on this bed, may usapan kaming magkikita ni Jihyo." Seryoso nitong sabi habang mariin pa ring nakapikit.

Of course, i won't believe this excuse. Ilan beses na niyang sinabi iyan sa akin. Siya na lang ang patuloy na kumakapit sa relasyon nila. Ni hindi man lang siya mapuntahan ng babaeng 'yon kung talagang may pakialam siya sa pinsan ko!

"No...no. Kalimutan mo nang sinabi ko 'yun. At pwede? Kalimutan mo na rin ang babaeng 'yon."

"Kung kelan naman pumayag na si Jihyo na pumunta kaming Lotte World, tsaka mo ako pagbabawalan...come on! I am wishing for a half day hang out with my Jihyo." Parang batang sabi nito. Mulat na siya at kitang-kita ko ang liwanag sa mata niya sa tuwing binabanggit ang ngalan ng ex niya.

"M-matulog ka na, kuya D-daniel. Pag gising mo, o-okay ka na ulit." Kinumutan ko siya.

"I won't be sleeping hangga't hindi ko nakikita si Jihyo!"

"B-bukas kuya, makikita mo siya, p-promise." Para bang hindi niya nakikita ang mga luha ko kung gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi.

"Sabi mo 'yan ha. Okay, tutulog na ako, para paggising ko, magshoshopping na kami ni Jihyo at ibibigay ko sa kaniya ang buong Busan." Pinipilit niyang igalaw ang katawan ngunit hirapan siyang gumalaw. 

"Uhm, kuya Daniel, p-pauwi na si kuya Daesung bukas...magiging okay na ang lahat." Kalmadong sabi ko at pinisil ang kaniyang namamanhid na kamay.

Maswerte pa rin ako dahil nataong madidischarge na rin ang kapatid ko sa military. Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon, masusundo at masasalubong pa namin siya ng pinsan ko. Unfortunately, he has to come home all by himself.

"Hmm, i think tomorrow is the best chance para ipakilala ko sa inyo si Jihyo." Ayaw mawala ng ngiti sa mga mata niya.

Tumango-tango na lang ako. Hinahayaan lamang umagos ang luha mula sa basa kong mga mata.

Why did he become like this? Parang kailan lang noong tinatarayan niya ako. Hinahain niya ang sariling paniniwala para rin sa sarili niya.

"O-okay bang mukha ko at suot ko?"

"Pfft, girlfriend mo na't lahat nako-conscious
ka pa rin? Okay naman mukha mo, syempre pinsan kita eh."

Noon pa lang pala grabe na ang pagtingin niya sa kaniyang girlfriend. Conscious kung conscious.

"Kuya Daniel, you have a girlfriend, 'di ba?...Do you love her?"

"Ano bang pinagsasabi mo? Syempre oo, mahal na mahal."

Gustong gusto niya ang babaeng 'yon. Naalala ko pa ang scenariong ito. Iyon ang unang pagkakataon na sinabi ko sa aking pinsan ang tungkol sa amin ni Jeongin.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon