Chapter Sixty Eight

11 0 0
                                    

CHAPTER SIXTY EIGHT

It's quarter to seven pm. Tanging ilaw na lang mula sa inn at ang mga nakasinding kandilang nakapalibot sa mismong tub ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. This giant outdoor hot spring bath is carved into the riverbed, napapaligiran ng malalaking bato na nagsilbing disenyo ng lugar. Malamig ang simoy ng hangin at usap-usapang masarap ang hinahain dito. Kumpara sa ibang hot springs, hindi matunog ang pangalan nito. Simple at maganda ang lokasyon. Andito naman na lahat ng kailangan namin. Hot springs, relaxation, comfort, fun, vacation, foods, at kaming pito.

Pinapanuod ko lang sila Changbin at Han na naghihilutan sa isang gilid. Panay reklamo naman ni Hyunjin dahil anlamog daw. Si Seungmin ay feel na feel ang malamig na hangin at ang maligamgam na tubig. Kakaahon lang rin ni Ate Soo Ah, paano ba naman kasi, dalawa lang kaming nandun sa private hot spring na 'yon. Ako? Kanina pa ako namumula dito. Madilim na at wala akong ideya kung nakikita ba nila ang mapupulang pisnge ko. Mabuti na lang rin at nakahiwalay ako kay Jeongin kanina, kundi kanina ko pa minanyak 'to!

"Peste ka talaga, Changbin! Maduming tao, pwede 'wag kayo ditong magpisilan? Tumatalsik libag niyo!" Sigaw na naman ni Hyunjin. Nagsho-shower naman talaga bago sumabak ng hot spring pero hindi niya maiwasang punahin ang dalawang naghihilutan.

"Buti nga libag ko lang ang tumatama sa'yo, mas kawawa ako diba? Ramdam ko na 'yung kay Han oh!" Kita buong ngipin ni Changbin sa pang-aasar kay Han kaya nasuntok siya nito sa likod.

Nasa manners and etiquette ang walang kahit na anong panloob kapag magbababad ka sa isang hot spring kaya ayan, nagkakaasaran na sila.

"Makiramdam ka na lang!" Si Han.

"Hahaha kaya pala dumidistansya ang isang Hwang Hyunjin, ayaw maipadama ang kaniyang Hwang Junior!" Singit ni Changbin, nag-apir naman sila ni Han.

"Mga hangal! Para namang hindi pa tayo nagpakitaan nung middle school!" Depensa ni Hyunjin. Humagalpak na naman ng tawa si Changbin.

"Don't worry, wala naman si Soo Ah noona, hindi niya malalamang--"

"Mga bunganga niyo naman, may babae tayong kasama oh!" Pananaway ni Seungmin.

Hindi ko na narinig ang kasunod nang kunin ni Iyen ang atensyon ko. Nakaupo lang ako sa isang malaking bato na dinisenyo talaga bilang mauupuan. Kakaahon ko lang at para na naman akong hinampas ng hangin nang tawagin niya ang pangalan ko.

Anlamig.

"Pagod ka na ba?" Medyo lumapit siya katapat ng pwesto ko.

Hinapit ko pa lalo ang suot kong roba. Kung anong kinarelax ng pagbabad niya, ako nama'y naiilang na naman.

Hindi ako titingin sa baba. Hindi. Hindi.

"Hindi naman."

"Oy, w-wag kang titingin dun sa mga babae ha? Baka mamaya lumapit pa 'yon sa inyo eh." Out of the blue kong sabi. Tumawa naman siya.

"Bago pa sila makalapit, itataboy na sila ni Seungmin at Han."

Buti naman. Si Jeongin kasi walang sungit factor eh. Kakausapin niya kahit na sino. Palibhasa lalaki kasi kaya hindi nakakadetect ng malalandi.

"En, balik lang akong kwarto. Magbibihis na ako, pati babalitaan ko pa si Sunwoo." Paalam ko.

"Mabato, magdahan dahan ka sa paglalakad ha." Paalala niya.

"Eung. Balik rin ako agad."

~

"Hey, sorry na...hindi na mauulit."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon