CHAPTER FIFTEEN
04.08
Hi.
Hehe kapag wala talagang nagbabantay sa'kin mag-aral, hindi ako nag-iigi.
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa, kasi naisip kong pwede ko naman gawin 'yon bukas habang hinihintay ko si Jeongin. Aagahan ko na lang ang pasok ko.
Kanina pa kasi ako nangangating ikwento na masaya ako ngayong araw na 'to!
Hinihiling kong sana everyday is P.E na lang.
Kinikilig talaga ako kasi una, binigay niya sa'kin 'yong inuming galing sa manliligaw niya, pangalawa ang gwapo gwapo niya talaga!Pangatlo, binigay ko sa kaniya 'yong dala kong fan at towel, nadaig ko na ata 'yong secret admirer niya sa pagpapabibo kong 'yon! Mabuti na lang talaga at nagbaon ako non!
Pang-apat, inutusan niya akong tuyuin ang pawisan niyang buhok...that was a near death experience!
Ansaya kiligin. Ganito pala magkagusto sa isang Yang Jeongin. Nakaka...buhay.
P.S. Sana masarapan siya sa ginawa kong lunch namin. Hihi.
Love,
Rio K.
