CHAPTER FIFTY SIX
06.26
Hi.
Exam na sa Monday. Mayayari ako ng kuya at ng pinsan ko kung lalong bababa ang marka ko, lalo pa't kumiri ako kaya no choice kundi mag-aral. Kanina after class ay dumiretso kami ni Iyen sa NS, tuturuan raw niya ako. Pero lalo lang pumurol ang utak ko dahil siya ang nagturo sa'kin. Nagpaalam sa amin si Sun na hindi niya muna ako matuturuan dahil maghahanda rin siya para sa CSAT. Nga pala, malapit na ang graduation...iiwan na kami ni Sunwoo. Isang taon pa ako bago grumaduate, isang taon muna kaming hindi magkikita. Mamimiss ko rin naman kahit pa paano si Sunwoo no.(T ^ T)
Naeexcite ako sa summer vacation dahil magkasama kami ni Iyen pero si Sunwoo kasi. At isa pa, binilin siya sa akin ng mommy niya, though hindi ako pumayag. Don't get me wrong, nag-aalala rin naman ako sa kaibigan kong 'yon.
Love,
Rio K.