Chapter One Hundred Thirty Four

5 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY FOUR

10.22

Iyen,

I brought your favorite thrasher hoodie with me. Nawala na rin ang amoy mo dito at napaltan na ng pambabaeng amoy. This is my first hell day in the ward, pero walang oras na hindi ko ito niyayakap.

I'm all alone now. Pinakiusapan ko lang si kuya Daniel na dalhin ang iilang sulatan at panulat ko. Dinala niya rin ang compact camera mo na pinakatago-tago ko pa.

Uhm, wait, i'm here in a white, minimal room. Narito na lahat ng kailangan ko. Closet, bathroom, small bed, fridge, and these papers.
Ikaw, Yen? Anong nakikita mo jan? Siguro maliwanag jan... siguro kulay kahel na rin dahil sa mga oras na ito, sunset na. Paki-picture naman para sa akin oh...

Mas tumahimik ang mundo ko. Mas lumalabo. Ayaw ko na dito... Ilabas mo na ako, please?

Pero nagkaroon naman ako ng bagong friend eh. Si Doctor Sunmi, tsaka si Nurse Mina.
Sila na muna ang makakausap ko sa medyo... medyo mahabang panahon. Kukuwentuhan ko na lang sila tungkol sa atin.

Hehe bye muna.

Nawiwiwi ako.

With all my heart,
Me

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon