CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE
"Where are you? I thought nasa studio ka?" Si Kuya Daesung sa kabilang linya.
"Uhm... wala kuya. Gusto ko munang magpahinga..." Bumuntong hininga siya nang marinig ang tugon ko. Kapatid ko siya kaya alam niya ang pinupunto ko. Kung wala sa studio, alam ni kuya Daesung na sa iisang lugar lang naman ako mangangahas pumunta. Si Kuya Daesung ko... magiging ama na rin siya sa wakas. Ang asawa niya? Si Doctor Sunmi. Hiyang-hiya pa noon manligaw si kuya. At ngayon... hihi magkakapamangkin na ako!
Ang lugar na ito... gustong-gusto ko ito. Mula kasi nang bumalik kami sa Busan para manirahan ay nakailang balik na rin ako sa aplaya na ito.
Parati kong dinadala ang pangguhit at bungkos ng papel. Binigay sa akin ng kaibigan kong si Sunwoo ang sketchbook na ito. Sa Tongyeong nagtatrabaho si Sunwoo at patuloy ang daloy ng yaman. Nagbabalak na rin siyang pakasalan ang girlfriend niya.
Humarap ako sa railings, kapit mabuti ang papel. Alas singko pasado na ng hapon. Patuloy lamang ako sa pagguhit. Paminsan-minsa'y pumipikit... pilit inaalala ang patay sinding mukha na nanghihimasok sa isipan ko.
Kung sino man siya... gusto ko siya makilala.
Sa alaala ko... nakangiti siya habang kasama ang isang babae.
Itim at sumusunod ang kaniyang buhok sa tuwing hinahawi niya iyon.
Kahit hindi malinaw sa akin ay sigurado akong maganda ang mata niya... dahil sa ngayon ay nararamdaman ko rin ang libo-libong nararamdaman ng babaeng yon sa aking alaala sa tuwing nagkakatinginan silang dalawa.
Ako ang babaeng iyon.
Kang Daniel's
"Jihyo..."
She's holding a snow and wedgewood folded papers. Hindi ako ignorante para hindi mahulaan ang nasa loob nito.
Natatakot ako.
Isang linggo na ang nakalipas mula nang mabalitaan kong umalis na siyang Hanoi at sa Gangnam na ulit nanirahan.
Maiksi ang kaniyang malusog na buhok. Nakangiti rin siya at walang halong awa sa mata niya.
"A-ano ito?"
Hindi ko napaghandaang magpapakita siya sa akin. Sa pamamahay ko.
"Iniimbitahan kita... two weeks before my wedding. Aasahan kita doon, okay?"
W-wedding?
A-anong...
Akala ko ba...
Akala ko pag-uwi niya... sa akin pa rin siya?
Ayaw niya na ba sa akin?
Nang maipon ko ang sasabihin ay bigla niya naman akong pinudpod ng yakap.
"Hindi ko kinaya, Daniel. Ikaw rin... kalimutan mo na rin ako."
Naiintindihan ko.
I've waited years for her. Sa tagal ng panahon na yon... pinlano ko na dahan-dahan sa isipan ko ang mga posibilidad namin bilang mag-asawa.
Ni hindi ko man lang kinamusta ang pakiramdam niya sa akin. Masyado akong naging makasarili.
"Wala yon. Sige na, baka may kailangan ka pang asikasuhin."
"Hmm, i forgot, dadaan pa nga pala ako sa tapat ng istasyon ng tren at bangko..."
"Haha oo na. Sige na." Ginulo ko ang malambot niyang buhok.
"Bye, Daniel. See you?"
"Mm mm... iwan mo na ako." Kinipit ko ang invitation sa aking bulsa. Iniiwasan ko yong punitin o mayupi. Dahil malamang ay pinaghirapan ni Jihyo ang disenyo nito. Mahilig siya sa pagdidisenyo kaya sadyang maganda ang kulay at arrangement ng design nito. Kaamoy rin niya ang ginamit na papel.
Nginitian ko lang siya nang umatras siya.
Ayokong tumingin.
Umalis ka na.