Chapter Sixty Three

18 0 0
                                        

CHAPTER SIXTY THREE

21st of July

"Nagreply na ba si Sunwoo?" Tanong ko, hindi inaalisan ng tingin ang nakasalang na noodles. At nakapamulsa sa suot na apron.

"Not yet. Alam mo naman 'yung lalaking 'yon, bihira lang humawak ng phone." Saglit kong nilingon si Iyen na prenteng naka-upo sa mesa niya habang hawak ang cell. Oo, sa mesa talaga siya naka-upo.

I came to his apartment dahil ayoko munang magstay sa bahay. Nandoon ang pinsan ko pero hindi ko maramdaman ang presensya niya kaya dumito na muna ako tutal ay pansamantalang sarado ang Clè kaya wala siyang part time.

"How about your friends? Tumawag na ba sa'yo? Anong balita?" Pang-uusisa ko habang isa-isang binubuksan ang seasoning ng ramen.

Pakiramdam ko tinutusok ang pagkatao ko ng mga tingin niya. Hindi naman ako makalat magluto. Tama rin naman ang ginagawa ko, so bakit ba siya nakatingin? Kahit hindi ko siya lingunin ay ramdam ko naman 'yon.

"Kanina ko pa hinintay ang video call ni Kuya Changbin."

Noong nakaraang linggo pa dapat pupunta ang mga kaibigan niya kaso napostponed ang alis nila sa Seoul dahil may inasikaso pa raw sa university 'yong girlfriend nung Hyunjin. Sa pagkakaalam ko ay tumigil ng isang taon si Hyunjin kaya imbis na junior na siya ay nastuck siya bilang sopho habang fresh graduate naman ang girlfriend niya.

"Kamusta nga pala si Yujin? Nag-usap ba ulit kayo?" Kung hindi lang talaga babae ang gusto ni Yujin magtatampo na ako eh. Iba kasi kapag concern si Iyen sa mga babae...sarap tuloy malagay sa alangan paminsan-minsan para maging concern siya sakin.

"She said sorry. Uhm, they're fine naman nung Wonyoung eh. Adjustment and acceptance then they'll be settled."

"Mabuti naman." Hindi na niya sinundan ang tanong.

Iniwas ko ang tingin sa kaniya at napakamot na lang sa batok.

"Malapit na ba 'yan? Gutom na ako, pakibilisan." Talaga naman. Ako na ngang nagmagandang loob na magluto tas siya pa 'tong pinagmamadali ako.

"Patapos na po, pakiayos na ng mesa." Utos ko sa kaniya pabalik, pinaningkitan ko siya ng mata at tinawanan niya lang naman ako.

Matapos patayin ang stove ay sinuot ko na ang mittens at nilipat sa mesa ang umuusok sa init na kaserola. Naka-upo na ng ayos si Jeongin, hinihintay ata na ilabas ko pa ang pork at lettuce. Pinagsisilbihan ko ang prinsipe, 'wag kayong ano!

"Ubusin mo 'yan ha." Pinuno ko ang bowl niya ng ramen.

"Ginawa mo naman akong masiba."

"Tss hindi ah." Umupo na ako katapat niya at excited na kumuha ng pagkain para sa sarili ko. "Salamat sa pagkain hehe." Bulong ko.

"Hindi mo muna hinubad ang apron mo bago kumain." Uh oo nga 'no? 'Di bale, uso naman 'yon. Ganito ang nakikita ko sa mga drama.

"Don't mind me, kumain ka na lang jan!"

~

Alas syete na ng gabi. Hindi ako nag-aalalang may maghahanap sa akin sa bahay kaya relax na relax lang akong nakahiga sa kama ni Jeongin at nagwewebtoon. Nakaupo naman siya sa dulo ng kama, katext ata si Sunwoo.

"Iyen..." Nilapag ko saglit ang phone at bumangon para mag-indian sit. Sinisilip ko ang mukha niya, tutok na tutok kasi sa phone eh.

"Oh?" Hindi pa rin niya ako nililingon.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon