CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY TWO
20th of October
"Ayoko nan! Maalin lang sabi sa Hostel or Five Feet Apart!"
"Pamamahay ko ito, akin ang tv at remote, kaya ako ang masusunod!"
"Girlfriend mo ako kaya isipin mo rin ang gusto ko!"
"No. One Piece and it's final."
"Duh? Anime? Ayoko nga, Yen!"
"Tsk, edi wag ka manood. Matulog ka na lang."
Wala na.
Nasa pamamahay niya ako at balak niya lang yata ubusin ang aming oras sa panonood nung anime na nababanat ang kamay sa N*tflix. Ilang beses ko pang pinaglaban ang horror at romance, but in the end, siya pa rin ang nasunod.
Kainis!
Mukhang naabsorb niya na ang palabas at hindi na ako pinapansin pa.
Nakahiga siya sa sofa at nakakrus ang mga braso. Sungit! Di porket solved na siya, hindi na ako pinapansin. Bahala ka jang Jeongin ka!
Tatayo na sana ako nang bigla niya akong hilahin pahiga sa kaniyang dibdib. "Ano? Jan ka na sa One Piece mong bwisit ka! Siguro gusto mo to kasi sexy yung mga babae no? Hentai!" Pilit akong kumakawala sa hawak niya.
Loko to ah... pagtawanan ba raw ako?!
"Dito ka lang. Maganda naman yan eh."
"Heh! Anong gusto mong gawin ko dito? Humiga at tumunganga habang enjoy na enjoy ka?"
"Kumain ka na lang. Andaldal mo."
Sige. Gusto ko rin naman sumandal sa dibdib mo eh!
Pasalamat ka talaga!
At ganun nga ang nangyari. Hinihintay ko ang oras habang nakakulong sa yakap niya. Siya naman, hindi maalis ang mata sa tv.
Nagseselos na talaga ako sa One Piece na yan!
"Siguro inspired ka jan kaya gusto mo ring magtrabaho sa barko ano?"
"Hmm medyo."
Napanguso na lang ako nang ibalik niya na ulit ang atensyon sa palabas.
Nag-eenjoy naman ako sumandal sa lalaking to. Nilalaro ko rin ang kamay niya at pinagkukumpara ang aming kamay.
Malaki ang kamay niya at mahahaba ang daliri. Ansarap hawakan at laruin forever. Ambango pa. Hindi rin naman malambot dahil magaspang ito.
Haaaaaay nako! Matulog kaya ako para matagal tagal akong nakahiga sa dibdib niya? Magandang ideya yun! Kaso, what about his hands kung ganon? Gusto ko pang laru-laruin eh!"Yen, tingnan mo."
"Oh? Anong meron?"
"Dati kasi nalalakihan ako sa kamay ko, then nakilala kita. Look oh, anlaki ng difference!"
Gulong-gulo ko ulit na pinagkumpara at sinukat ang kamay ko sa kanya.
Pigil hininga ako nang pagsalikupin niya yon, at nilibre pa ako ng halik sa ulo.
Owemji!
"Laruin mo na muna yan. Nood lang ako."
Ulit, hindi na naman siya namansin.
Ginawa ko na lahat ng pagpapapansin.
"Paabot naman ng pringles."
"Hindi yan, yung cheddar cheese!"
"Salamat."
"Wet wipes, please."
"Ano bet mo?"
"Nasa kanan."
"Oh kay, say ah!"
"Pwede bang umayos ka ng upo? Nangangawit na ako dito!"
Psh. Hindi ba siya nangangalay o nawiwiwi man lang?
"Hoy, inaantok na ako. Bahala ka."
"Gusto mo lumipat ako para komportable?"
"Hindi na."
"Sure? Sasakit batok mo jan, sige ka."
"Ayos lang. Basta, huwag mo ko iwan hm? Pati, yakapin mo ako."
"Paanong iiwan kita eh dinaganan mo na ako?"
"Basta!"
"Oo na po. Now, sleep."
.
.
.Nagising ako at napabalikwas ng bangon.
"Jeongin!"
I'm all alone.
There is no one else in here.
"Jeongin!!!"
Imposible...
Yung boses niya... parang anlapit lang sa akin.
Yung hawak niya... parang totoong totoo.
Totoo yun!
Naranasan ko yun!
Pinaranas niya yun sa akin!
Ngunit ngayon ay parang panaginip na lamang ang lahat.
"Arghhhhhh!!!"
Kasunod nun ay ang baha ng luha na kumawala sa namamaga kong mga mata at ang ingay mula sa pinatatakas kong pangungulila na sa wari ko'y hanggang dito ko na lamang mailalabas.
"J-jeongin..."
Up to now, I'm still used of calling his name, praying that he could hear my echo.