Chapter One Hundred Fifty

5 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY

Lee Minho's

"Ya! Huwag jan, sensitive ako sa part na yan." Halos pabulong niyang sabi.

Mahaba ang kaniyang itim at maalon na buhok. Matambok at namumulang mga pisngi. Mayroon siyang kakaibang amoy na parating nagtutulak sa akin yakagin siya.

Ambango niya. Hmm. Amoy sanggol.

"Lee Minho ha! Sinabi ko na sayo diba? Friday nights? Hello?"

Nakalimutan ko ang tungkol sa bagay na yon. Ganon naman madalas, hindi ba? Lagi niyang pinapaalala sa akin na bawal kapag weekdays, dahil may trabaho at kailangan ng energy at sipag kinabukasan sa trabaho.

Lumabas siya sa kwarto at dire-diretsong naglakad papunta sa pasilyong nagdurugtong sa veranda ng tinutuluyan naming unit. Matagal na mula nang umalis akong Seoul. Hanggang sa heto, nasanay na rin ako sa linggwahe, mga tao at pamumuhay ng mga Australianong ito.

"Minho... kelan mo sasabihin sa mga kaibigan mo?"

"Bukas ako kokontak sa kanila, mahal. Bat? Di ka na mapakali, ano?" Panlokoko ko. Agad namang namula ang pisngi niya.

"H-hindi no."

"Hahaha ang cute cute mo talaga kiligin, Yunna."

Siya si Kim Yunna. Nakilala ko siya minsan nang dumalaw ako sa theater center. Nakakatuwa dahil nakakilala ko siya at nagtagpo ang landas namin sa maliit na bayan na iyon sa Australia.

At ngayon ay buo na ang desisyon namin. Bukas mismo ay kokontakin ko na sina hyung. We're going back to Korea to settle down.

"Minho! Tingin ka sa banda ron!" Nginuso niya ang mataas na toreng umiilaw ang tuktok.

"Oh ano?"

"Wala. Masaya lang ako. Dahil nakikita natin ng sabay yun, parehas tayo ng tinutuntungan, mas marami pa tayong
sa mga susunod pang taon."

Pangako, Namsan Tower na ang sabay nating titingnan pag-uwing Seoul.

Kahit nasaan man akong lugar, siya pa rin ang inuuwian ko.

"Minho kasi! Kamay mo sabi, ilayo mo!"

"Biro lang, mahal." Dinampian ko ng halik ang sentido niya.

Naaalala ko si Nari ang babaeng to. Halos magkaparehas sila. Ugali, mga hilig at sa pananalita. Kinaibahan nga lang, kung si Nari naiiyak sa horror movies, si Yunna nama'y kailangan ng mahigpit na yakap para lang mawala ang takot niya.

Mahal ko si Yunna. Mas malinaw pa sa mga napapanood kong 1280p r18! Ang namagitan sa amin noon ni Nari, matagal na rin naming kinalimutan. Hindi bago yon. Dahil wala naman kami sa pelikula para hindi magsawa. We're cool... ang katunayan nga nan ay magkasundo sila ni Yunna kahit sa video calls lamang.

Noong nakilala ko si Yunna... mas nakakaatat pa sa pelikula at teatro ang naramdaman ko. Ayaw kong gumanap. Ang gusto ko ay ang maging tagapanulat ng palabas.

I want to pleasure her with beautiful things her eyes couldn't see. Tanging ang sa akin lang. I want to treat her properly.

Sa kaniya ko naranasan at nagagawang ipadama lahat ng pagmamahal.








.
.
.

Lee Nari's

Puno na ang mga kamay ko. Phone sa kaliwa, habang yakap yakap ko naman ang dalawang brown bag. Kung hindi lang ako naubusan ng stock ay hindi talaga ako lalabas ng lungga. Tirik kasi ang araw at nakakatamad ang umaga, pero kailangan kong mamalengke para wala na akong gagawin magdamag.

"Oh? Madame Mi Rae... kakapalit niyo pa lang nito kahapon ah?" Ang mga pananim niya ang tinutukoy ko. Siya ang kasera ng apartment na tinutuluyan ko. Madalas nakikita ko na lang siyang, umagang-umaga, mga pananim ang inaatupag niya.

"Bigay sa akin ng kumare ko ang spring bulbs na ito, hija. Teka, gusto mo? Ipagtatanim kita..."

Mula ng nanirahan ako sa Pransya... si Madame Mi Rae lang ang tangi kong nilalapitan. Bukod sa kalahi ko sya ay parehas kami ng pinagdadaanan. Iniwan siya ng asawa sa Korea kaya dito niya naisipang manirahan.

Ah! Basta, ayoko nang isipin pa yun.

Nakarating ako sa aking kwarto. Kagaya na lang unang beses akong tumapak dito ay malamig ang hampas ng hangin. Nakakabingi ang katahimikan. Hindi ganito ang nakasanayan ko sa Seoul. Dahil doon... umaga pa lang ay nagkakalabugan na ang kusina.

Konting tiis na lang... uuwi na rin ako. Makikita ko na si Seungmin. At tsaka ang ampon kong si Lix. Makakalimutan ko ba naman ang mga hinayupak kong kaibigan?

Hanggang sa tumakbo ng tumakbo ang oras... mabagal ito at kapansin-pansin ang pagtitipid nito sa akin.

Nagawa ko na ang lahat ng kailangan ko. Kumain. Magpauli-uli sa maliit na kwartong ito. Kumain ulit. Naihanda at naiimpake ko na rin ang mga gamit na kailangan kong iuwi sa Seoul.

Madilim na sa labas at malamig na rin. Kulang na lang ay ibalot ko ang sarili sa mabalahibong kumot at magpakacucoon.

"Ang... tahimik..." Pati sarili ay kinausap ko na rin.

Nakadungaw ako sa veranda. Kasama ang isang mug ng kape, nakasuot ng pajamas, at walang kakati-kating tshirt.

Bukod tangi ang tore na yun sa kalayuan. Kitang kita siya rito mula sa kinatatayuan ko. Patay sindi ang dilaw na ilaw nito.

Si Minho... ikakasal na siya. Nakakainis na ang sarap ng iniinom kong kape pero nagtatanim ako ng ganitong emosyon.

I feel so far away from him. I feel disconnected and unreachable. Pero nararamdaman ko lang naman to dahil sa akin may mali, hindi ba? Paano kung sabihin kong gusto ko pa siya? Mahal ko pa rin si Minho. At hindi ko alam kung paano pa matatakasan to. Natatakot akong dumating yung panahong uuwi na ako at pigilang hindi magselos sa harap ng bago niya.

Natupad ang pangarap ko. Napapasaya ko ang mga tao sa masasarap na niluluto ko, pero yung sarili ko, hindi ko man lang mapasaya. Dahil hindi naman talaga natupad ang totoong kagustuhan ko. Si Lino... siya ang pangarap ko.

Uuwi ako ng Seoul para sa kasal nila. Ayoko namang sabihang sosa, no! Gusto ko makita si Lee Minho sa kulay itim na tuxedo. Gusto ko siyang makitang masaya. Gusto ko pang makita ang mukha niya bilang binata bago ang araw ng kasal niya.

Lee Minho... he is the sweetness in the bitterness in me. Siya ang iniisip kong paghahainan sa tuwing nasa kusina ako.

Gusto ko na rin umuwing Seoul para makita siya. Pero hindi ko naman alam kung paano pa magpapatuloy ngayong tuluyan na akong naiiwan.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon