CHAPTER FIVE
25th of March.
"Gusto mo? Sa'yo na lang." Sumimsim muna siya bago ako alukin ng melon yogurt. Pagkapasok na pagkapasok niya ay may naabutan na naman siyang drinks at snacks sa desk kaya ayan, nilalantakan niya kahit hindi kilala kung sino ang naglalagay no'n doon.
Nasa tamang upuan ako, siya itong dumayo sa katabing desk at pinepeste ako.
"Ayaw ko, may laway mo na 'yan." Nakangiwi kong tugon at umub-ob.
Tumawa na naman siya at kinulbit-kulbit pa ako. "Mas masarap pa nga ang laway ko kesa sa yogurt na 'to." Bulong niya na sinundan ng tawa at pagpalakpak.
The heck?
Inangat ko ang ulo ko at sinamaan
siya ng tingin "Aish mahiya ka nga sa pinagsasabi mo, Jeongin."
Kinagat niya ang straw at kumamot pa sa batok niya, "Sabay tayo pag-uwi ha? Absent si Sunwoo."
Hindi na ako nakapagsalita nang sumulpot sa harap namin ang bagong dating na si Yujin, ang may ari ng inuupuan ni Jeongin. Tumayo na si Jeongin at bumalik sa kaniyang desk.
Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin sa first subject, si Sir Hyungdon. Nagsitahimik naman ang 2-C at umayos ng upo.
Nilingon ko si Jeongin na pasimpleng ngumunguya ng Banana Crackers na tinatago pa niya sa ilalim ng desk.
Kanina pa 'to kain ng kain ah? Palibhasa kasi marami siyang natatanggap na pagkain galing sa anonymous niyang manliligaw.
"...we'll be having your second semester seat plan." Rinig kong sabi ni sir kaya naman binaling ko na ang atensyon sa kaniya habang pinapakita sa amin ang cylinder na lalagyang may mga nakatiklop na papel.
"Everybody, stand up and bring your bag then bumunot na kayo kung saan ang new seat niyo." Sumunod naman sila kay sir kaya gumaya na rin ako.
Nagsibunot na sila, ang iilang lalaki ay binabalik ang mga nabunot dahil ayaw daw nila sa bagong upuan nila. Nang ako na ang bumunot ay agad ko itong binuksan.
Seat no.16
Nilingon ko ang pwestong 'yon at nakitang nasa unahan ko lang ang dati kong katabi.
Si Yujin na naman? Ano ba yaaann, walang thrill.
Naglakad na ako sa napapuntang new seat sa akin at maingat na isinabit ang backpack ko. Hindi pa ako tuluyang nakakaupo nang may tumapik sa balikat ko.
"Whaaat? Ba't nand'yan ka?"
"Eh sa ito ang nabunot ko eh. Bakit? Ayaw mo ba akong katabi?" Muntik na akong mapasabi ng, gusto kitang katabi actually, nang makita ko ang dimples niya.
Asdfghjkl. Lumayo ka nga sa'kin Yang!
~
Sa antok ay naibagsak ko ang ballpen. Napatingin naman ang mga katabi ko pero hindi ko sila pinansin, inismiran ko lang. Bagay naiinis ako sa natutulog naming teacher 'wag nila ako pakialaman.
Sige, fite me.
Tapos na ako magtake notes kaya halumbaba na ako at hinihintay na magising si Ma'am Sera.
Inilabas ko ang phone para maglibang tsaka ime-message ko si Sunwoo baka kasi you know, pumayag siyang hindi muna ako makisapi kila Beomgyu hohoho.
