Chapter One Hundred Four

7 0 0
                                        

CHAPTER ONE HUNDRED FOUR

13th of September, Sunday.

Lee Minho's

3000 kinsenas...pwede na rin. Malaki na nga kumpara sa ibang shops na halos ikaw na nga ang gumawa lahat, mababa pa ang pasahod.

"Pre, pakidala naman ng order sa table 3. Tas pwede bang pagtapos, pakipunasan ng table 5? At ikakasaya kong lubusan kung pakikisuyuan mo akong itapon saglit yung black bags sa dump area."

Ano pa nga bang magagawa ko? Bago lang ako sa trabahong ito kaya kailangan kong ipakitang masipag ako at hindi reklamador. Empleyado rin siya dito pero wagas makisuyo. Ganyan talaga 'yan si Johnny.

Five to ten pm ang shift ko tuwing weekdays. Twelve to five pm naman tuwing weekends. Ilang minuto na lang rin at out ko na pero mautak itong si Johnny at pinasa sa akin lahat ng gawain.

Di bale, sulit naman ang paghihirap ko ngayong araw at sa mga susunod pang linggo. Dahil sa wakas ay makakahawak na rin ako ng sarili't pinaghirapan kong pera!

Bukal sa loob kong ginawa ang mga utos ni Johnny. Pagkatapos kong ishoot ang basura sa dump area ay pumasok na ulit akong shop para makapagpalit ng nangangamoy kong apron.

Nagpaalam na ako kay Johnny at sinukbit na ang backpack. Isiniksik kong maigi ang snapback sa ulo nang makalabas ng shop.

Hindi pa ako nakakalayo nang may isang pares ng sneakers ang tumigil sa harapan ko.

Inangat ko ang tingin.

Hindi lang pala siya basta customer...

Anong ginagawa niya dito?

Aish! Malamang Minho, kakain siya!

"Sorry. Uhm, marami pang bakanteng mesa sa loob, miss. Pasensya na ulit." Magalang kong tinuro ang shop.

Akmang tatalikod na ako nang magsalita siya.

"Te-teka! Tapos na bang shift mo?"

"Huh? Oo eh."

"...ganon? Sayang naman..." Yumuko siya kaya't hindi malinaw sa pandinig ko ang kaniyang sinabi.

"May kailangan ka ba?"

~

"Excuse me, miss at sir, kung sakali pong may libreng oras kayo mamayang 6 pm, panuorin niyo po kami mamaya sa tapat ng Booster..."

Biglang lumapit ang tatlong lalaki. May mga itsura sila at presentable tingnan. Nagkakahiyaan pa sila kung sino ang susunod na magsasalita.

"We're the new boy band na magdedebut under 4419 Entertainment." Dagdag pa nung isa.

Ngumiti na lang ako. Nagmamadali naman silang umalis at naghanap ng panibago nilang mahihikayat.

"Ano yun? Magba-busking?" Kunot noong tanong ni Nari.

"Oo...gusto mo ba manuod?"

"Ayos lang sa akin. Pero bahala ka kung gusto mo."

"Ah, kumain muna tayo bago dumiretso dun, okay lang ba?" Tinapik ko ang ulo niya at sumulyap sa pinakamalapit na food center.

Kanina pa ako nagnanakaw ng tingin sa kaniya. Nilalamig kaya siya? Pero nakatrench coat naman siya eh...pati isa pa, wala akong dalang jacket! Ngayon pa talaga nataon! Dapat pala nagbaon na ako kanina. Hindi ko naman kasi inaasahang makakasama ko siya ngayong hapon.

Nang matapos kaming kumain ay dumiretso kami sa binigay na lugar nung mga lalaki kanina.

"Sakto lang pala ang dating natin."

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon