CHAPTER TWELVE
04.06
Hi.
Kaninang umaga, excited na excited talaga ako pumasok dahil syempre, excited rin ako makita si Iyen. Alas syete pa lang nasa school na ako at mag-iisang oras akong naghintay sa lalaking 'yon tas late naman pala siya. Sampung minuto lang ang pagitan nila ng pagdating ng unang teacher namin. Maingay sa room namin, may mga babaeng naka-upo sa desk para lang makipagdaldalan sa friends nila, may mga lalaking nag-aagawan sa FHM Magazine.
Habang ako, mabait lang sa table ko at busy magscroll sa SNS, iniisip ko kung i-vivisit ko ba ang account ni Iyen kaso 'wag na lang muna, habang nakayuko ay napansin kong may naglalakad papunta malapit sa akin, hindi sana ako matitinag nang masinghot ko ang pamilyar na amoy na 'yon. Tumingala ako at nakita ko ang kanina ko pa hinihintay.
Kinabahan na naman ako nang makita ko ang pagmumukha niya. Literal na natulala ako sa napansin ko, tuwid ang buhok niya at halos matakpan na naman ang kaniyang mata.
Anong meron at pumasok siya ng ganon ang itsura? Nakakapanibago.P.S. Ang ganda talaga ng araw ko ngayon.
Love,
Rio K.