Chapter One Hundred Thirty Seven

4 0 0
                                    

CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SEVEN

27th of October

Naubusan na ako ng gawain sa pesteng kwarto na ito. Maya-maya lang rin ay oras na para sa pag-inom ko ng gamot, kaya heto, nilalaan ko na muna ang aking libreng oras sa nakaraan. Para matutulog at makakapagpahinga na lang ako kapag nakainom na ako. My brother already talked to me about the Doctor's suggestion. Mas makakabuti raw iyon sa akin. But I don't wanna think about it. Hindi na muna...

I studied his camera. Mabuti na lamang at may karga ito kaya makakapaglibang ako.

Ang kahuli-hulihang kuha ay noong nasa summer rides kami. Pictures ko habang kumakain ng hotdog on sticks... ang magkahawak naming kamay... yung kalawakan at kinang ng dagat na natatanaw sa loob ng ferris ride.

Tandang tanda ko pa ito lahat. At para bang bumabalik ako sa eksaktong sitwasyon ng mga kuhang ito.

Malabo ang iilan.

Madilim rin ang ibang kuha.

Ngunit may iilang maliwanag marahil ay dahil sa ilaw ng mga rides.

Hanggang sa matunton ko ang pinakaluma niyang kuha.

At mas nakakalunod at mas nakakasaya habang pinagmamasdan ko ang mga iyon.

"Papaanong..."

Ako ito ah?

Haha sa NS ito!

Kamusta na kaya ang NS ngayon? Sino na kaya ang nakaupo sa dati kong pwesto?

"Ang gwapo mo talaga..." Siya lang ang pinuri ko sa picture nilang magkakaibigan.

At ito... gusto ko nakawin ang picture na ito!

Si Jeongin yun, kalong-kalong si Brace! Hinalikan pa, peste. I-edit ko kaya? Amp! Para namang abno kung gagawin ko yun! Nahalikan ko na rin naman siya ng madaming beses.

Next lang ako ng next hanggang sa dumaan ang ilang slides na halos hindi ko na kaya pang tingnan.

This is all about me and Busan.

Narito lahat ng pinuntahan namin. Narito lahat ng magagandang ala-ala namin... Kinuhaan niya
muna ito lahat bago niya pa ako dalhin dito.

Our waterfront. Our beach. Our hillside park.

Para tuloy naririnig ko muli ang mahinang hampas ng alon. Bumabalik sa pang-amoy ko ang sariwang tubig-alat. Hinahampas muli ako ng malamig na hangin.

Gusto ko itong balikan lahat.

Gusto ko ulit siyang makasama.

This feels like I am coming back home.

Lalo pa nang magpatuloy ang sunod-sunod na paglipat ng mga larawan.

And there I finally went home when I saw his apartment. Ang gago na yon! Kinukuhanan rin naman pala niya ang sarili.

Kama niya ito!

Nahagip yung bintana niya!

Nasuot ko ang shirt na to!

Kahit saang anggulo ko tingnan ay namimiss ko talaga siya...sobra!

Ang gwapo niya ngumiti.

Ang gwapo niya rin magseryoso.

No, nasasabi ko lang na gwapo siya dahil mahal ko siya. When it's all about him, I can give him my faith. I am in too deep. Ganun ako kahaling sa kaniya.

Hanggang sa sunod-sunod na larawan ang nagpakita.

Ito ang tanawin sa rooftop ng kaniyang apartment.

It's where we danced the misty evening away.

He captured the rise and fall of the sun.

...the dusk and dawn given by the time.

And every days and nights we had as we shot another record of happiness.

Ni hindi natin namamalayang mas kumakapal ang panahong magkasama tayong dalawa, Iyen... hanggang sa matapos ang mga iyon. At nawala na ngayon.

I just knew I loved you because I enjoyed those moments with you.

I so miss you, Yang.

I wanna go back to you.

But I can't reach out for you anymore, so I can only do is to hold on to our memories.

Paints And Papers Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon