CHAPTER TWENTY SIX
04.19
Hi.
Totoo nga pala talaga 'yong mga unplanned day ay may masasayang unexpected things na mangyayari sa'yo.
Ngayong araw na 'to, andami kong nalaman tungkol kay Yang Jeongin. Mas nakilala ko pa siya. At sa tingin ko, mas lalo pa akong nahuhulog sa kaniya.Matapos kong mapilitan kumain ng buhay na pugita ay dumiretso kaming ssl. Binilhan niya ako ng mga luho ko. Notebooks, glossy papers, stamps, stickers. Makapal na kung makapal pero nagpumilit kasi siya eh.
Pagkatapos ay dinala niya ako sa isang cute na cafe. Siya na naman ang gumastos lahat ng in-order namin.
Two-storey 'yung shop at makonti ang tao. Sa taas kami punwesto at nasa sulok malapit sa glass wall. Iisang table lang ang meron sa taas at ang mas nagpaganda pa ay ang sa lapag ka talaga uupo.Minimal lang ang disenyo ng mga nakasabit na paintings. May furry mat at japanese-style ang mesa. First time kong makapunta sa ganoong klase ng cafe. Noise free, relaxing, welcoming, comforting.
"Ang bait ng nanay mo..."
"Honestly, she's my step mom."
Sa tagal ko nang nakikitang ngumiti si Jeongin, iyon lang 'yong ngiti niyang may tinatagong lungkot. Siya 'yong tao na hindi magkakaila na magkwento sa'yo ng mga seryosong bagay as long as trustworthy ka.
Kinwento niyang namatay na ang totoo niyang mama at ang step mom niya ang dahilan kumbakit lumipat silang Busan. Nawala na rin ang ama niya nang maikasal na sa kaniyang step mom. Kaya pala parang hindi sila masyadong close.He only has his step mom, and Brace.
Nagpapasalamat akong in good terms sila kahit hindi niya tunay na nanay 'yon. Atleast, may guardian pa rin siya ngayong wala na ang totoo niyang magulang."How about you? Bakit pinsan mo lang ang kasama mo sa bahay?"
"Nasa mandatory military ang kuya ko. This august siya madidischarge...my mom and dad, wala na. Nabuhay kami sa alaga ng tito Hodong ko then we moved out nang medyo tumanda na kami."
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng ice cream cake ay naramdaman kong nagvibrate ang phone ko bago tuluyang tumunog.
Weather feelin' hot or cold
Stray Kids going fast or slow
Namgeukgwa bukgeuge life
Geukgwa geukgwa geuk
Red light green light swag
Bye or wassup man
Namgeukgwa bukgeuge life
Geukgwa geukgwa geuk~Nahiya na lang ako sa ringtone ko nang magkatinginan kami. Tas antagal ko pa bago madukot sa backpack ko.
Si Sunwoo tumatawag...dahil ayaw ko siyang kausapin pinatayan ko siya."Sino 'yan?"
"Sunwoo."
"Ba't hindi mo sinagot?"
"Ayaw kong marinig ang boses niya."
"Baka naman namimiss ka lang ng lalaking 'yon. Alam mo naman si Sunwoo..."
"Pwes hindi ko siya namimiss."
"Bakit parang galit na galit ka sa kaniya? May ginawa ba siya sa'yo?"
Nang tingnan ako ni Iyen ay biglang bumalik sa isip ko 'yong hinalikan ako ni Sunwoo. Noong time na 'yon pakiramdam ko talaga dinaya ko si Iyen. Tss ansarap lang magsumbong pero bakit ko naman gagawin 'yon? Wala naman siguro siyang pakialam kahit paghahalikan pa ako ni Sun sa harapan niya.╮(╯◇╰)╭
"W-wala naman."
"Sigurado ka?"
"Oo."
Konti na lang aasa na talaga ako sa lalaking 'to.
Ganun ba talaga siya ka-maaalalahanin?
Lalo ko tuloy siyang nagugustuhan.Nakatitig lang ako sa kaniya habang sinisimot ang buttermilk shake.
Nakayuko naman na siya no'n dahil ka-chat niya ata ang kaibigan niya. 'Yung Hyunjin siguro.
Sinisilip ko ang mukha niya. 'Yung ngiti niya, rather.Ang simple niyang lalaki. Kahit medyo savage siya minsan, mabait pa rin siya. Ang komportable niyang kausap. Maaalalahanin. Mabango. Ang inosente tingnan. Nakakahawa rin ang ngiti niya. Tas 'yung mata niya, hindi ako makatakas sa mga 'yon...
"Mababasag na 'yang baso sa sobrang higpit ng hawak mo."
Bumalik naman ako sa katinuan nang magsalita siya...oo nga. Sa sobrang harot ng utak ko kanina, pati baso pinanggigilan ko.
Love,
Rio K.