CHAPTER ONE HUNDRED THIRTY SIX
Lee Minho's
"A-anong kailangan mo?"
"Nabanggit ni Lix na birthday mo pala. Hehe happy birthday."
Nakasungaw lang ang ulo ko sa pintuan. Wala akong suot na pang-itaas at ayaw kong pag-isipan niya ako ng masama.
Mabilis kong sinuot ang shirt at pormal na humarap sa kaniya.
Ano bang ginagawa niya dito?
Wala akong handa! Hindi pa rin ako nakakapaggrocery takte!
"Hindi mo ba ako iimbitahin sa loob?" Nakapamulsa pa siya at lalong naniningkit ang mata kakangiti.
Hindi ito ang unang beses na tumapak siya sa pamamahay ko pero ang weird ng pakiramdam. Lalaki ako at babae siya. At kaming dalawa lang ang nandito. Pero! Hay Minho! Kung ano-ano na naman ang pinag-iisip mo!
"Hindi pa kasi ako nakakapaghanda ng tanghalian. Anong... anong gusto mo? Ipagluluto kita." Pasimple kong pinagsasalansan ang mga nagkalat na gamit habang naglalakad siya papuntang living room.
Kaibigan ko siya. Ipagluluto ko siya. Parang panlilibre lang sa mga gimmick ang gagawin kong ito.
"Nasaan ang mga magulang mo? Hindi ka ba uuwi sa kanila?"
"Haha bakit mo naman naitanong? Nope, kakabisita ko lang sa kanila."
"Kung ganon, solo ka ngayong birthday mo?"
"Mm oo. Hindi naman na big deal yon. Matanda na ako at sapat na ang pahinga."
Wala akong ideya kumbakit kinailangan niya pang puntahan ako dito. Magkalapit bahay lang naman kami, pero bakit parang pinaghandaan niya ang kaniyang suot ngayon? O baka naman inaatake lang talaga ako ng kahangalan kaya kung ano-ano ang dumadapo sa malikot kong utak?
"Akin na yan." Ang apron ang tinutukoy niya.
"Hindi, ako na lang. Bisita kita kaya ako ang dapat magsilbi sayo."
"Mas matutuwa ako kung hahayaan mo ako. Let me do this for you."
Sige, hindi na ako makikipagtalo pa sa babaeng to.
Nakaupo ako sa mesa habang pinapanuod siya maghanda ng mga gagamitin sa pagluluto.
Binubuksan buksan pa niya ang bawat cabinet. Parang pagmamay-ari niya ngayon ang kusina ko. Tangina.
"Do you know adobo?"
"Adobo?"
"Sinabi ko dati kina Lix na adobo ang gusto kong iluto sa taong nakakapagpasaya sa akin."
"Pinagluto mo na sila nun?"
"Of course, hindi pa."
"And you are going to cook that for me?"
"Malamang."
Napangiti na lang ako. Tangina. Ano bang pinapalabas niya?
"So am I making our Nari happy?"
Heto na naman. Hindi na mawala sa dila ko ang paggamit ng third person sa tuwing nagsasalita. Nasanay na kasi ako dahil sa panlalambing kila Soon, Doong at Dori eh.
Hindi siya sumagot. Nakatalikod pa rin siya at abala sa kaniyang ginagawa. Come on, humarap ka sakin. Gusto ko makita ang mukha mo.
"And how? Nakekengkoy-an ka ba sakin kaya sumasaya ka?"
