CHAPTER THIRTEEN
04.06
Kakatapos ko lang maghugas ng plato at tinapos ko na rin 'yong homework ko.
Maaga kasi kaming umuwi nila Yujin, kikitain raw kasi ni Junkyu ang mama niya kaya napagdesisyunan na rin naming umuwi. Salamat kay Junkyu.Sinabihan ako ni pinsan na baka raw hindi ko na ginagawa ang mga dapat kong gawin sa school kaya naman imbes na magphone ay napabasa tuloy ako ng next lesson namin para hindi na ako mangamote sa susunod na araw.
Nang matapos ako, ibabalik ko na sana sa shelf 'yong textbook nang mapansin ko 'yong mga librong binili sa akin ni Jeongin sa Glow. Ang librong ito ang may gawa kumbakit naamoy ko ng lubusan si Iyen at argh!Babasahin ko 'to. Nine Rules To Break When Romancing A Rake.
P.S. Nakakahiya naman, baka inisip ni Iyen nung time na 'yon, g na g na ako. ㄟ(≧◇≦)ㄏ
Love,
Rio K.