CHAPTER ONE HUNDRED TWENTY SIX
Daniel Kang's
I've never been better. Mula nang matapos ang aking medikasyon ay pakiramdam ko mas nagkandaletse-letse lang ang buhay ko.
I am yearning for someone and my head knows it, and worse, my heart can't take it. Pero wala na akong magawa. Matagal tagal na rin mula nang iwanan niya ako. Nawalan na rin ako ng balita sa kaniya, but I'm sure, she's somewhere miles away from Seoul... away from me. Gusto ko siyang kamustahin at makausap ulit pero natatakot ako sa maaaring kalabasan.
Days and nights came, still, I am missing her. I've lost her trail and I am gone.
Natapos ang koneksyon ko kay tanda sa Gangnam, at napag-alaman kong nakipagkasundo siya kay Jihyo na kung papayag siyang sumama sa kaniya sa huling tsansa ay titigilan niya na kami parehas. Wala akong alam tungkol sa ginawang desisyon ni Jihyo, pero aksidente kong nalamang magkasama pala sila noong gabing pinuntahan ko si Jihyo sa Gangnam. Pagkatapos noon ay unti-unti na ring lumayo sa akin si Jihyo, pinutol ang aming ugnayan at kinalimutan niya ang tungkol sa amin. Hindi ko yon natanggap at nagbunga pa ng mas malala sa aking kondisyon.
Buong akala ko ay hindi ko na siya makikita pa ulit. Hanggang sa pinagpala ako, at dumating na ang kinahihintay ko.
Unexpectedly, perfect place and time, but in a wicked chances.
Magkakasama kami ng mga naging kaibigan ko sa Gangnam. Sina Ong Seongwoo, at Yoon Byeong Ok.
Dinala ako ng mga kumag sa isang beach resort located sa Ilsan ng isa pa naming kaibigan, si Jihoon. Stress na stress na raw ako kaya't gusto nila ng gimmick. Pumayag ako since makikinabang rin naman ako sa two days and one night goodtime na yon.
May mini bar na nakatayo sa pampang. Kakaonti rin ang mga tao kaya sigurado akong hindi pa polluted ang tubig dagat.
"Hep hep! Chillax na muna tayo ngayon, oke? Pa-Berlin na ako next week kaya sulitin na natin ito!" Inikot-ikot pa ni Byeong Ok ang wine glass.
"Size 270 ako, wag mong limutan."
"Tatlong box na condom aken. Yung pinakamalaking size!"
"Mabibili ko yung 270, yung kay Seongwoo hindi eh."
Hinahayaan ko lang sila mag-usap tungkol sa kung ano-ano. Tama na muna ako sa alcohol kaya blue orangeade na lang muna habang pinapanuod ang mga nagsisidaanang mga nakabikini.
"Oh mga tol? Ayos ba dito? Nag-eenjoy ba kayo?"
Dumating si Jihoon at nakiupo sa counter.
Nagpaalam ako saglit para bumalik ng kwarto. Inaantok ako---no, napapagod? Argh, I don't know. May tumutulak lang sa akin para magpahinga at mapag-isa.
Nilabas ko na ang spare key sa bulsa at akmang pipihitin na ang seradura ng may mahagip ang paningin ko.
Babae.
Nakatayo siya sa tapat ng isang pinto, ilang kwarto lamang mula sa akin. Kasama niya ang dalawang maleta sa kaniyang tabi. Pinagbuksan siya ng bellboy at sinimulang ipasok ang kaniyang mga gamit.
Shit. Shit. Shit.
Hindi ako maloloko ng mga mata ko.
Si Jihyo iyon! Tangina. Anong?!
.
.
.
Nakaupo kami sa buhanginan at walang imikan. Nakatanaw lang siya sa malayo, malamang ay napapansin niya ang mga tingin ko sa kaniya.
"Kamusta ka na?"
"Fine, i guess."
"I uh, i can't believe na magkikita tayo dito." Nag-alangan pa siyang makipagtitigan sa akin.
Lumipas ang ilang buwan pero yung ganda niya, hindi kumupas. Siya pa rin ang pinakamaganda sa aking paningin.
"Daniel... ikaw, kamusta ka na?"
"What?" Napatawa ako ng mahina.
"I missed you."
Dapat pala ay hindi ko na sinabi pa yun. Antanga ko talaga.
"Ang gandang coincidence, hindi ba? Nagkita tayo dito..."
I tried to enlighten the mood. Gusto kong ibalik yung pagiging komportable namin sa isa't-isa. Kahit simpleng usapan at kamustahan lang ito, ang hirap pa rin dahil parang nag-aalanganan pa kami. At the very least, it'll be okay with the comfort... i'll be alright with the comfort.
"Y-yeah."
"Jihyo, ano na? Ako pa rin ba? O hindi na?"
Fuck.
Most pathetic and stupid words I've ever said. Argh! Napakaputangina naman ng pagkakatanong kong yun!
"I am dating no one."
"... and I'm leaving for good."
Wait...
W-what?
"Uuwi kang Seoul?"
"Haha nope. After this short staycation, aalis na akong bansa."
"Huh?"
Tumawa lang siya at tinapik ang pisngi ko.
"Sa Hanoi, i'll stay there for months, or years... Doon ko naisip magsimula ng business since nandun rin sina lola so I think, mas mapapadali ang pag-aadjust ko doon."
"Mabuti naman kung ganon."
Bakit ngayon ko pa siya nakita ulit kung kelan aalis na rin siya?
Hindi ko na binitawan pa ang pinakamaliit kong tyansa. I told her I still love her. Nalaman kong wala na ulit siyang naging ka-relasyon nang makipaghiwalay siya. And it lights me up, hoping that she might be still in love with me.
And days came, ihahatid ko na siya, maghaharang muli ng oras at distansya sa amin.
Tinanggap ko na yun. At pinanghahawakan pa rin ang pagbalik niya sa akin... sa tamang panahon, oras at pagkakataon.
